Hera Isabella Diamante “Ina, Andra!” Napabalikwas ako nang bangon nang mapanaginipan ko ang mga anak ko na may kumukuha sa kanila. Pero laking gulat ko nang magising at hindi pamilyar ang kwartong namulatan ko. Doon ko lang na-realized na tila hindi panaginip ang nangyari. Nang nilingon ko ang kama ay mag-isa lang ako. “Sh*t!” Napamura ako. Agad kong inalala ang nangyari at malinaw sa isip ko na si Zeus ang huling taong nakita ko kagabi. Ang twins… Nakita niya! Parang may biglang naghabulan na kabayo sa dibdib ko. Ang lakas ng tahip no’n. Sigurado akong mag-iisip si Zues na mga anak namin ‘yon. Sa itsura pa lang ni Divina at Alexandra ay hindi maipagkakailang anak namin sila. Agad akong umalis ng kama at nagpunta sa nakita kong pinto. Pero mas lalo akong kinabahan nang pinihit ko

