Hera Isabella Claveria Marahan akong dumilat nang maramdaman ko nang nagigising ang diwa ko. Ramdam ko ang mahigpit na yakap sa akin mula sa likuran at napakagat labi na lang ako dahil biglang rumagasa sa isip ko ang pangyayari nang nagdaang gabi. “Sh*t!” Ngayon pa lang ay nararamdaman ko na ang pag-iinit ng mukha dahil sa kahihiyan. Parang na-realize ko kung gaano ako kabigay todo kagabi sa kaka-ungol sa ginawa sa akin ni Zeus. Sobrang sarap naman kasi no’n. Walang kupas si Zeus sa galing niyang mang-romansa. Ang lakas ng stamina niya. Partida pa na mabilisan pa nga ang ginawa namin. Pero grabe ang tirik ng mata ko. Narating ko na naman ang langit sa piling ni Zeus. Nakatagilid ako ngayon at ang nakikita ko sa tabi ko ay si Alexandra. Ito naman kasing si Zeus ay talagang tinabihan

