HINDI alam ni Jason kung gaano katagal na niyang kinukutinting ang electric guitar niya. Nasa ibang bagay kasi ang isip niya. Mabigat ang loob niya dahil hanggang ngayon, marami pa siyang inililihim kay Yoomi tungkol sa pagkatao niya at sa nakaraan niya. Nang magtanong ito kanina tungkol sa pamilya niya, bigla siyang sinuntok ng konsensiya. Asawa na niya ito kaya may karapatan itong malaman kung sino at ano’ng klase ng lalaki ang pinakasalan nito. “Dude, you should tell your wife about your family,” payo ni Aleksander sa kanya, bago nito tinungga ang laman ng hawak nitong bote ng alak. Ito ang gitarista ng Violet Rage at ito rin ang matalik niyang kaibigan. Naroon sila ngayon ng mga kabanda niya sa bahay ni Aleksander dahil may music room ito na soundproof kung saan sila nag-re-rehearse

