“HUWAG mo kong bibitawan, Jason.” “Hinding-hindi, Yoomi.” “Huwag mo kong pagtawanan!” “Hindi kita pinagtatawanan.” Lumabi si Yoomi. Tuluyan nang tumawa si Jason ng malakas. Pinaningkitan niya ng mga mata si Jason, pero nanatiling mahigpit ang pagkakahawak niya sa mga kamay nito. Nakatuntong siya sa skateboard niya at kahit kumpleto naman ang suot niyang protective gear, natatakot pa rin siyang mahulog sa board at mabalian ng buto. Napasinghap siya nang dahan-dahan siyang hinila ni Jason, dahilan para gumulong din ang skateboard na kinakatungtungan niya. “Jason, ayoko na! Ayoko na! Ayoko na!” “Honey, calm down!” Sa kaka-panic niya ay naging malikot siya dahilan para mahulog siya sa skateboard. Mabuti na lang at nasalo siya ni Jason. Yumakap siya agad dito dala ng kaba. Mabilis nama

