Final Practice

2010 Words
Ely was Andeng's friend since G7. Siya yung kaklase namin nung G9 na binastos nung kaklase ni Roja dati. Hanggang ngayon wala pa kaming balita sa kanya kung kamusta na siya. Ang alam lang namin ay sa Las Piñas na raw siya nakatira. "Anong iniisip mo diyan." siniko ako ni Iyah. "What do you think with Seryne? Connected ba siya kay Ely. Her middle name is the same with Ely's surname." sabi ko habang nag-iisip pa rin ako. "Felicity Corales...Serenity Corales Gozon? Baka malayong kamag-anak niya." siguro nga. Gusto kong kamustahin si Eli kung kilala niya. Nag-aaral pa kaya siya. "Iyah bakit mo kasama 'yan?" Higit ni Aubrey kay Iyah. Mukhang kakatapos lang ng meeting nila dahil nasa likod niya yung mga co-officers niya. Napakagat labi si Iyah mukhang hindi niya alam kung anong isasagot kay Aubrey. "Ako mismo ang lumapit kay Iyah may tinanong lang ako about sa lecture namin kanina." I lied, ayokong pati si Iyah ay hindi rin pansinin ni Aubrey dahil kwento sakin ni Iyah, Aubrey told her no to talk with me or even hang out with me. Kapag nalaman ni Aubrey na nag-uusap kami ni Iyah malilintikan si Iyah sa kanya. Iba rin kasi magalit si Aubrey kung di ka niya gustong pansinin ay iiwasan ka talaga niya hangga't sa gusto niyang layuan ka. Mahirap makipagtawaran kay Aubrey lalo na at mataas ang pride niya sa amin. "Ganon ba? Para namang dalawa lang kayong magkaklase. Bakit hindi ka magtanong kina Khaila o kay Andeng. Tara na Iyah." Now I abosolutely seeing the bad side of Aubrey. I sighed. Pagpasok ko sa bahay wala pa si mama. Umakyat muna ako sa taas at nagbihis at bumalik sa kusina. Wala akong choice, noodles lang ang madaling lutuin tutal ako lang rin naman ang kakain non kaya kumuha ako ng ramen sa cabinet. Habang kumakain ako I open my twitter account and I noticed Aubrey unfollowed me. Not only in twitter but to all of my social media accounts. FO na talaga kami ni Aubrey hys. A notification popped up on my phone and when I open it. From: Ma'am Escueta Don't forget our general practice tomorrow. Don't forget to bring your script :) Sabado na nga pala bukas so I have to sleep early tonight. Nag-iwan na lang ako ng note kay mama sa ref na kumain na ako. Pumunta na ako sa kwarto ko. Hindi ako makatulog dahil maaga pa, naninibago yung body clock ko so I get my cellphone and try to search for Seryne's account. Good thing na nakapublic lahat ng social media accounts niya but wala akong makita na picture nila ni Ely. I expected pa naman na connected siya kay Ely pero nagkamali ako. Siguro napaparanoid na ako. 'Deanna you have to get an enough rest today kaya matulog ka na'. Sabi ko sa sarili ko sa salamin. My alarm clock make me awake in the middle of the morning. Naginat-inat muna ako bago ako pumunta sa CR. I brushed my teeth before I go down to the kitchen at naabutan ko si mama na nagluluto. "May pasok ka ngayon?" My mom asked me while she was still cooking. "We have general practice today mama. How about you?" tamad na sabi ko. Bangag pa rin yata ako dahil hindi ako sanay na maagang gumising tuwing Sabado. "Meeting." simpleng sagot ni mama habang inihahain na ang niluto niya sa lamesa. Mom cooked fried rice, bacon and ham. She also provide me a milk. "Ma una na ako." sigaw ko sa gate, nasa kusina pa rin siya naghuhugas ng pinagkainan namin. Sikat na sikat ang araw, maganda ang pagsalubong sa akin ng umaga at tila bumabalot sa aking sarili ang kaliwanagan nito. Sana lang ay maging maganda ang flow namin practice mamaya. Nasa kanto na ako ng subdivision namin ng biglang nakita ko si mama na natakbo papunta sakin. "Anak I think you left this." oh I forgot my script. I get it from her. "Thank you ma." I gave her a hug and mama told me to keep safe on my ride. Nang makasakay ako saka pa lang naglakad pabalik si mama. I'm just wearing an oversized statement shirt and tucked it inside my brown corduroy skirt. Suot ko rin yung bucket hat ko dahil sobrang init and I put my cellphone inside my bum bag nang makababa na ako sa harap ng school. Wala pa si Ma'am Escueta pero andito na sina Ma'am Vera, mga officers sa student council at ilang mga estudyante na magpeperform sa event. Naaninag ko na si Rocco na papasok na ng gate mula dito sa bleachers. Nakasuot siya ng printed side seam board short and a fit tee with neck rib and a pair of nike rubber shoes. Saktong pagkapasok niya ng stage ay nakarating na si Ma'am Escueta. Bago kami magsimula may sinabi pa si Ma'am na last practice na daw 'to kaya galingan na namin dahil walang ng practice bukas at sa lunes na ang event. Maganda ang naging entrance namin ni Rocco pansin kong hindi na siya medyo naiilang sakin dahil lagi kaming magkasama nitong mga nakaraang araw. "I'm Rocco Lozano..." "and Deanna Alonzo Mendrez." pagpapakilala namin then I glanced at him to prepare the next line. "Your host for this year's Intamurals; Expect the Unexpected." Halos matagal din pala ang duration ng event sa lunes dahil ang daming tatawaging teachers at speakers. May mga magpoproduction number rin from different grade levels. After pa ng speech nung principal namin magsisimula ang yell competition. Pinapanuod lang kami ni Ma'am, mukhang smooth yung hosting namin ni Rocco, nagbigay lang siya ng nga tips at techniques sa amin. "Let me call on our dearest principal Mr. Carlo Quigaman for our closing remarks." after the closing remarks magsisimula ang laban ng mga grade levels sa iba't-ibang larangan ng sports. "Well done guys." Ma'am Escueta stood up and give us an applause. Sinalubong kami ni Ma'am pagkababa namin ng stage. "I hope bagay 'yan sa inyo. For sure naman these will really suit you, hindi na kayo mahirap bagayan ng mga damit dahil you already have the looks." she give us a smirk and the paperbags na bitbit niya probably yun yung binili namin nina Ma'am Vera. "Thank you po ma'am." "Rocco can you excuse us? May sasabihin lang ako kay Deanna." My eyebrows furrow and Rocco just nod to Ma'am. "Kinausap ko na si Cora at inamin niyang siya nga raw ang nauna sa away niyo kahapon." Ma'am hold my hands with her overwhelmed eyes. Muli ay nagpasalamat ulit ako sa kanya sa pag-aalala sa akin. "I heard na lilipat kayo ni Andeng sa pilot class after the event. You must start preparing yourself on that." paalala sakin ni ma'am. "I'm always prepared Ma'am." I confidently said. Bago umalis si ma'am sa harapan ko nginitian niya muna ako. Inayos ko na rin yung gamit ko. Papunta ako ngayon sa G10 faculty para ibigay kay Sir Noel yung confirmation letter ko. "Sir eto na po yung letter." ipinatong ko sa desk niya. "Oy Deanna sigurado bang may perma na ,yan?" pabirong tanong sakin ni Sir. "Sir ibibigay ko ba sa inyo kung wala yang perma." natawa si Sir sa sinabi kong 'yon. Pagkalabas ko ng faculty may narinig akong may tumatawag sa pangalan ko sa court na katapat ng faculty. "Deanna kung pwede ka raw ligawan nitong kaibigan ko." sigaw nung isang senior high school student habang nakaakbay don sa kaibigan niya. In fairness may itsura naman yung tinutukoy niyang kaibigan pero hindi ko maaninag ng maayos ang mukha niya dahil nasa initan sila sa gitna ng court. "Dumaan ka muna sa akin at saka di napatol 'tong anak ko sa mas maedad sa kanya!" sigaw ni Sir na nasa likod ko pala. I want that Sir called me 'anak' like he was really my father and he is right wala talaga akong type sa mas matanda sa akin gusto ko ka-same level ay age ko lang rin. Nagkamot ng ulo yung dalawang senior high sa sobrang hiya kay Sir at sabay umalis na rin. Saktong papunta si Rocco at iba pa niyang kasamahan ng kaniyang team sa court. Siya ang captain ng basketball team ng G10. Siguro may general practice din sila ngayon. Ang gwapo ni Rocco sa suot niyang jersey bagay na bagay sa pagka-mestizo niya. Gusto ko sana siyang bigyan ng sunblock kaso ,wag na lang sigurado naman na hindi siya nagaapply ng ganon kapag nagtetraining siya. "Ano ilakad na ba kita kay Mr. Lozano?" gulat ko ng biglang bumulong sa likod ko si Sir. "Huwag na Sir close na kami niyan no." I giggled while Sir Noel chuckles. Halos hapon na rin ng makauwi ako sa bahay at wala pa si mama. Umakyat na muna ako sa kwarto ko at diretsong bagsak sa kama. I want to sleep, gusto kong bawiin yung tulog ko dahil maaga akong bumango kaninang umaga. Hindi ko namalayang nakatulog ako hanggang sa nagising na lang ako dahil pinagpepyestahan na ako ng mga lamok dahil nakalimutan ko na ring buhayin yung AC. It was 12 in the midnight and I forgot to eat dinner. Patay na ang ilaw sa baba siguro ay tulog na si mama. Pumunta ako sa kusina para maghanap ng makakain. Napagdesisyunan ko na lang magtimpla ng milo na may koko krunch, yes it's so childish yet that is my favorite. Pagkatapos kong kumain ay umakyat na ulit sa taas, good thing at pagkahiga ko ay tinamaan na ulit ako ng antok. Sunday ngayon at wala akong ginawa magdamag, plano ko sanang sumimba ngayon pero wala akong kasama. Usually kasi kasabay ko sina Iyah at Aubrey pero mukhang wala na naman silang pakielam sakin. Ngangayon na lang ulit ako hindi makakasimba we used to go church kasi every sunday parang 'yon na lang stress free day naming tatlo tas bonding na ulit para kumain sa labas. Kaya yung sunday ko ibinabad ko na lang papanuod ng netflix, maghapon akong nakatambay sa sala habang nasa meeting pa rin si mama. "Let's eat na maaga ka pa sa school niyo." sabi ni mama pagkababa ko ng kwarto ko. Binilisan kong kumain dahil baka malate ako lalo pa at aayusan pa ako ni Ritz. Hinatid ako ni mama sa school, bitbit ko ang isang paperbag kung saan nakalagay yung susuotin ko sa event. Nagsuot na lang muna ako ng denim pants at white shirt. Si Ritz raw ang mag-aayos sa akin sabi ni Ma'am Zera at ganon din kay Rocco. "Don't forget to break a leg." my mom always boost my confidence whenever I need it. I just gave her a flying kiss when I get out of the car. It's an hour before the event kaya nagtungo na agad ako don sa designated room kung saan kami aayusan ni Ritz. "Deanna andiyan ka na pala, halika umupo ka na rito para maayusan na kita." wala pa si Rocco ng makapasok ako sa room. Sinimulan na akong ayusan ni Ritz from my face, eyes, nose and to my hair respectively. He let my long hair down and just iron it. Pagkatapos kong ayusan ay saka pa lang dumating si Rocco. "Sorry nasiraan kami." Pawisang-pawisan siya at hingal na hingal nang makapasok sa room siguro nga ay nasiraan ay tumakbo papunta dito. Habang inaayusan siya ay pumasok ako sa CR para magpalit na ng damit. Medyo nahirapan pa akong suutin yung sports b*a dahil baka masira make up ko. Pagkalabas ko ay bihis na rin si Rocco wearing the football jersey that we bought. Nasa stage na kami ni Rocco pero wala pa yung mga estudyante dahil may parada pa sila kasama ang lyre band paikot ng munisipalidad namin. Habang wala pa sila ay nagpractice kami ni Rocco, nagbatuhan kami ng linya at navocalization ng kaunti. Natatanaw namin mula dito hanggang doon sa gate na pabalik na yung mga estudyante kaya umayos na agad kami ng tayo. Oh my gosh this is it!

Great novels start here

Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD