♛Twenty-six♛ Zayna: Pangatlong katok na ang narinig ko sa labas. It was Beth again who entered my room at heto ako hindi pa rin mapakaling nakatingin sa’king sariling repleksiyon. Hayst! Naiilang kasi ako.. Off-shoulder dress na hanggang sa tuhod ang tabas. Hapit na hapit rin sa katawan ko ang plain aqua blue na damit. Bigay ito ni Beth sa’kin kanina—hindi raw ginamit ng anak niya kaya may price tag pa talaga. “You look good, dear! Aren’t you ready yet? Sir Ylejah is waiting for you at the entrance and Lana’s waiting inside the car.” Ganun ba? Humarap ako sa matanda. Hindi talaga maikakailang ‘di ako komportable sa damit na bigay ng matanda. “Guess I have to change this—I’m sorry, Beth I am not comfortable.. What about sweater and pants?” Nakangiwi kong sabi sa matanda. Wearing this

