♛Twenty-nine♛ Zayna: Dumating ang gabi pero wala namang Ylejah’ng dumating, eh! Nanlumo ako dahil inaamin ko..na-mimiss ko siya. Kahit na ‘di naman dapat.. Inaamin kong walang oras na ‘di ko iniisip ang mga iniwang niyang mga nakaw na halik—kahit ‘di naman dapat.. Papunta ako sa kusina nang maulinigan ko na may nagbabangayan sa loob. Kukunin ko lang sana ang hapunan ni Lana nang nag-aatubili akong pumasok dahil parang boses ni Beth at Gertude ang nasa loob. “You left me, old man!” Ha? Boses talaga ni Beth. “No, lady—I left because you told me to. Please don’t throw your rocks on me.” May relasyon ba noon ang dal’wa!? Tss.. I was too surprised pero ‘di ko mapigilan ang ‘di kiligin kahit na nag-aaway ang mga ‘to.. “Really? And why are you asking me—“ “Hey.” Naputol ang pakik

