♛Twenty♛ Zayna: Maraming sinabi sa’kin si Beth ang head maid ng mansyon pero—parang lutang pa rin ulo ko sa ere. “Actually, what you just need to do is to accompany the little princess wherever she goes and assist her whenever she needs something.” Tumango ako saka ngumiti rito. Mabait naman talaga si Beth—first ko pa lang siyang nakita nang dumating kami ay magaan na ang loob ko sa kanya. Kaya lang sa sitwasyon ko ngayon—sobrang bigat lang talaga sa loob na makita ang mismong biktima..isang bata na siyang walang-laban noon. Worst, Ylejah’s wife was dead. His pregnant wife.. “Yes, I understand. Thank you, Miss Beth..” Sabi ko rito. Sa tuwing inaalala ko ang mga maling desisyon ko sa buhay ko noon—parang gusto na namang parusahan ang sarili ko.. “Zayna! Tama na yan!” Inagaw sa’k

