TEASER

473 Words
"Tell me, Is it true that your pregnant?" tanong ni kuya Lucas. "O-Oo," pag-amin ko. "A-Ako ba ama ng pinag-bubuntis mo?" tanong nito. Tumango ako bilang sagot kay kuya Lucas. Hindi ko alam kung ano na ang mangyayari ngayong alam na nito ang totoo. Pati na magiging reaction ni ate Freya kapag nalaman nitong ang ama ng pinagbubuntis ko ay ang boyfriend nito. "How could you keep it from me." "Paano ko ba sasabihin sayo na nagbunga ang pang-gagahasa mo akin hindi ko nga alam kung maniniwala ka." "Sana ipinaalam mo pa rin sa akin anak ko rin iyang dinadala mo." "P-Pero," hindi ko na natuloy ang iba ko pang sasabihin nang biglang bumukas ang hospital room na inuukopa ko at pagpasok ng mga magulang ko. "Tama ba ang narinig namin anak na si Lucas ang ama nang dinadala mo at ginahasa ka niya?" bungad na tanong ng Mommy ko. "M-Mommy, D-Daddy," ang nasambit ko na lang. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko ngayong alam na nila ang tungkol sa pagdadalang-tao ko at kung sino ang ama nito. Ngayon ay natatakot na ako sa puwedeng mangyari. Lumapit sa akin si mommy at hinawakan ang mga kamay ko habang si Daddy naman ay tahimik lang at iyon ang mas nakakatakot. "Anak sabihin mo totoo ba ang mga narinig namin." muling pagtatanong ni Mommy sa akin. "Addison, sumagot ka tinatanong ka nang Mommy mo," madiing saad ni Daddy. Hindi ko na napigilan ang mapaiyak saka tumango bilang sagot sa tanong ni Mommy. Nagulat na lang ako nang inundayan ng suntok ni Daddy si Lucas. "Daddy! H-Hindi naman po sinasadya ni kuya Lucas." "Alin ang hindi niya sinasadya Addison ang gahasain ka o ang buntisin ka?" "P-Pareho po, lasing po siya 'nun." "Tito... Tita, I'm really sorry, kasalanan ko po ang lahat. Hindi po excuse na lasing ako kaya nagawa ko 'yun kay Addison. Kung gusto po ninyo akong ipakulong handa po akong pagbayaran ang kasalanan ko sa anak ninyo" sabat naman ni kuya Lucas. "Lucas hijo, alam mong magkaibigan kami ng Mommy at parang anak na ang turing ko sayo at kung gusto mo talagang pagbayaran ang ginawa mo sa anak namin gawin mo ang tama panagutan mo ang ginawa mo sa anak ko, pakasalan mo siya." saad ni Mommy. Hindi ko inaasahan ang sinabi ni Mommy. "M-Mommy, alam po natin kung ano ang relasyon nila ni ate." "Tama ang Mommy mo kailangan niyang panagutan ang mga ginawa niya lalo na sa dinadala mo at kung si Freya ang inaalala mo naiintindihan niya ang sitwasyon mo." saad naman ni Daddy. Nakapagdesisyon na ang mga magulang kong ipakasal ako kay kuya Lucas. Ayokong saktan si ate Freya pero hindi ko rin naman puwedeng suwayin ang kagustuhan ng mga magulang ko. Siguradong lalong magagalit sa akin si ate ano na ngayon ang dapat kong gawin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD