HIMIG NG PAG-UWI(from Teatro Lakambini’s Hanggang Ulap / H. Cosculluela / J. Abueva) [ ARIES ] Lumalamig mga araw at gabing wala ka Sinta, ‘di ka pa ba magbabalik? Puso’y nangangamba, nangungulila Inaasam mga yakap mo’t halik Ipaglalaban ko Ating mga pangarap Kumapit ka, sinta At umuwi sa ‘king yakap Kahit sandaang libong sandali’y Kayang tiisin gaano man katagal Halika, umuwi ka na’t Ako’y maghihintay Sakaling ‘di ako makita Pagmulat ng iyong mata Sinta, huwag kang mangangamba Pagka’t habang umiikot ang mundo Habang tumitibok ang puso Nangangakong pag-ibig ko’y iyo [spoken ] Mahal kita, Hannah. Mahal na mahal kita. Maghihintay ako. Ika’y hinihintay Nitong ating mga bisig [ HANNAH ] Mahal, pauwi ako sa iyong mga bisig Batid kong puso mo’y nananabik Puso’y umaasa,

