"Kayo na ang bahalang magpaalam kay Lux para sa akin." "Tiyak kong malulungkot siya sa oras na malaman niyang sumama ka na sa mga Angelus patungong Coelum." Niyakap ito ni Immitis kapagkuwan ay niyakap naman ni Cres. "Natutuwa akong nakilala ko ang babaeng nagpatibok sa puso ni Ginoong Lux kahit na sa huling sandali." "Alagaan n'yo si Lux." Ngumiti ito kapagkuwan ay nilapitan si Cres. "Tiyak kong malapit mo na ring makilala ang babaeng magpapatibok ng iyong puso." Ilang minuto lang ang lumipas ay unti-unti nang nagliwanag ang buong katawan nito na animo'y naglalaro sa ilalim ng liwanag ng buwan. Dahan-dahang naglaho ang buong katawan nito habang hindi nawawala ang mga ngiti sa labi. Nagkatinginan sila Immitis at Cres nang tuluyan na itong maglaho at liparin ng hangin ang anima mea nito

