Acutus’ POV Pabagsak akong nahiga sa silid namin ni Nitidus matapos kong magpasyang sumama rito para sa kaligtasan ni Cres. Kasalukuyan namang nakatayo sa tapat ng bintana si Nitidus na tila malalim ang iniisip. Tinitigan ko ang kisame at kagaya ng dati ay nag-uumapaw na naman ang samu’t saring emosyon at gulong tumatakbo sa isip ko. Kailan ba matatapos ang mga pagsubok na kailangan naming kaharapin. Ipinikit ko ang aking mga mata dahil sa pagkahapo. Kahit na kagagaling lang namin sa pamamahinga pakiramdam ko ay naubos ang pagod ko sa pagsama lang dito sa Stamen. Pakiramdam ko ay nauubos ang lakas ko sa tuwing narito ako sa lugar na ito. Napamulat ako ng aking mga mata nang maramdaman ang pagdampi ng labi ni Nitidus sa aking mga labi. Kaagad ko siyang inilayo sa akin at bumangon mula s

