Ipinagpatuloy nila Immitis, Cres at Lux ang kanilang paglalakbay patungo sa kung saan sila dalhin ng kanilang mga paa. Dahil sa pagkawala ng mapang pinakaiingatan ay hindi nila alam kung paano at saan magsisimula. Ang tanging magagawa lang nila sa mga oras na iyon ay hayaang dalhin sila ng kanilang mga paa sa kung saan-saan hanggang makakuha sila ng iba pang impormasyon tungkol sa lunas na hatid ng sumpa ng kwintas ng Tractatio. "Ginoong Lux, paano kung wala na tayong impormasyong makuha?" tanong ni Immitis. Kasalukuyan silang tumigil sa isang bayan kalapit ng Harenae. Hindi tulad ng Harenae na puro buhangin lang ang pumapalibot sa lugar, ang lugar na ito ay mabato at napapalibutan ng magagandang halaman. Mistulang isa itong hardin dahil sa angking ganda ng mga bulaklak na namumukadkad sa

