“Nitidus…” “Anong kailangan mo?” Kita sa itsura ni Nitidus ang pagkabalisa matapos ang muli nilang paghaharap ni Acutus. Mula nang araw na iyon ay kaunting pagkakamali ay ikinaiinit na kaagad ng kaniyang ulo. “Mukhang hindi yata maganda ang mga nagdaan mong araw,” sabi ni Inxs kaya napatingin siya rito. Kasalukuyan siyang nasa silid-kainan at nakaupo sa pinakadulong silya na nakalaan para sa kaniya. “Kung narito ka para painitin lalo ang ulo ko ay makakaalis ka na,” sabi niya. Bigla na lang tumawa si Inxs na siyang sumakot sa buong silid. Naging dahilan naman iyon para labis na ikainis ni Nitidus. “At anong nakakatawa?” pasinghal na tanong niya. “Ikaw, mahal ko,” mabilis na tugon nito. “Kung ang ikinababagabag ng iyong loob ay ang palpak na planong nabuo mo, hayaan

