Kasalukuyang nakatanaw si Acutus sa kalangitan habang inaalala ang tagpong iyon. “P-pasensya na,” sabi nito. Akmang aalis na ito nang pigilan niya ito at hawakan ang kamay nito. Muling bumilis ang t***k ng kaniyang puso na noon niya lang muling naramdaman. Mula sa kaniyang bulsa ay kinuha niya ang discriminale na binili pa sa kaniya ni Cres. Bagay na nais niya sanang ibigay kay Nitidus ngunit alam niyang malabo na. “Acutus ang aking ngalan. Sana sa muli nating pagkikita ay makilala mo ako,” sabi niya at pagkaraan ay iniabot ang discriminale sa babaeng kausap. “Hanggang sa muli nating pagkikita,” pamamaalam nito bago tuluyang tumakbo palayo sa kaniya. Napatingin siya sa kaniyang palad habang sinasariwa kung gaano kalambot ang kamay nitong unang dumampi sa kaniyang palad. Ramdam ni

