CHAPTER 55

1123 Words

Acutus' POV Magkahawak ang kapwa namin mga kamay habang sumasabay sa saliw ng musika. Matagal kong inasam na mangyari ito. Matagal kong hiniling ang ganitong tagpo. Ramdam ko ang pagtibok ng kaniyang puso kasabay ng bawat pagtibok ng aking puso habang nakasandal siya sa aking dibdib at ang kaniyang ulo ay nakahilig sa aking balikat. Kaytagal kong nanabik sa bawat sandaling kasama ko siya na walang inaalala maliban sa aming dalawa. "Nitidus..." "Hhmm..." Nararamdaman ko ang saya sa himig na iyon kahit na hindi pa man siya diretsong nagsasalita. "Gusto mo ba talaga ang lahat ng ginagawa mo ngayon?" tanong ko. Tahimik lang siya at walang reaksyon kung kaya panandalian kong pinakiramdaman ang kaniyang paghinga at paggalaw. Mukhang ok naman siya at walang pagbabago sa kalagayan niya ngayon.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD