"Cres..." Tahimik lang si Cres at walang imik habang patuloy na nagbabalik ang mga pangyayari nang nagdaang araw. "Uy, Cres!" Napalingon siya kay Immitis nang tapikin siya nito sa balikat. Doon lang tila bumalik ang wisyo niya sa kasalukuyan. "Bakit?" "Kanina pa kita kinakausap. Tila malayo yata ang nilalakbay ng isipan mo?" puna nito sa kaniya. "Ah, wala naman," tanging tugon niya lang. "Si Ginoong Lux, nasaan? Hindi mo yata kasama." "Nag-ikut-ikot baka raw may makita siyang mga bagay sa mga kabahayan na maaari nating magamit." Pumulot ito ng maliit na bato sa sahig at inihagis sa bukal. Kasalukuyan silang naroon at nag-uubos ng oras. Kapwa sila nakakaramdam ng katamaran nang mga oras na iyon kung kaya minabuti na lang nila na magpahinga roon habang naghihintay sa pagbabalik ni Lux

