Acutus’ POV Napapikit na lang ako nang mariin habang papalapit ang mga butil ng yelo sa aking kinaroroonan at sa isang iglap lang ay bumagsak ito sa aking kinauupuan. Unti-unting naging yelo ang tubig na umaangat naman sa aking katawan. “Cres!” Pagtawag ko sa kaniyang pansin. “Kung ganoon ay kaya ko na ring kontrolin ang elementong ito,” sabi niya. Tila hindi niya naririnig ang pagtawag ko. Nilingon niya ako at kapagkuwan ay mga bolang apoy naman ang kaagad na lumabas mula sa kaniyang palad. Kaagad niya itong inihagis sa direksyon ko at sa ilang segundo lang ay natunaw ang mga yelong bumabalot sa aking katawan. Pakiramdam ko ay tila pinageeksperementuhan niya ako nang mga oras na iyon. Akmang aalis na sana ako sa ilalim ng talon upang hindi na ako maging puntirya niya subalit b

