CHAPTER 50

2248 Words
Pagkatapos dumaan sa Throne Palace para kunin ang mga files ng estudyante ay dumiretso na sila Amira at Mortem sa headquarters ng Inferno Gang. Inasikaso muna nila ang profiles ng mga nag-aaral sa Mafia University lalo na ang mga ginagawa nila sa school. Magkatapat silang nakaupo sa sofa, nakatuon ang atensyon sa mga hawak nilang papel. Kagabi ay ipinahatid na sa kanila ni Wilder ang report tungkol kay Snow, Jasper, at Anna na nagsasabing inosente sila. Napatunayan naman ‘yon na tumugma sa iniisip ni Amira habang binabasa niya na ang papel. Ayon sa profile… Jasper Bill: 17 years old, male. From Hydra Gang. Skills – Shooting, archery, combat: martial arts, boxing, and using daggers. Other: High personality skills. Top skills: Anything.   Inilahad din sa papel ang madalas gawin ni Jasper sa Mafia University at mga grades nito na hindi man gano’n kataas, hindi rin gano’n kababa. Sakto lang na binawi niya naman sa kanyang kakayahan. Anna Dezmund: 14 years old, female. From Hydra Gang. Skills – High intelligence: technology and science. Combat arts. Other: High personality skills. Top skill – Technological advancement. Kung si Jasper bawing-bawi sa kahusayan sa pakikipaglaban. Si Anna naman ay bawing-bawi sa katalinuhan lalo na’t ipinakita rin sa papel ang overall grades niya na palaging uno sa klase. Hindi sinama ang shooting sa skills niya dahil bumagsak siya ro’n na maaari pa namang bawiin lalo na’t napatunayan na ni Anna ang kanyang sarili. Snow Malice White: 10 years old, female. Daughter of Ibbie White and Wilder Gill. From Hydra Gang. Skills – Average intelligence, using daggers and combat. Other: High personality skills. Specialty: Manipulation. Top skill – Daggers. Wala ring nakitang kakaiba kay Snow. Bukod sa naghahamon siya ng away sa Mafia University, hindi naman ‘yon nakaapekto sa iba at sa buhay niya. Ang katalinuhan at kakayahan niya sa pakikipaglaban ay sakto naman sa kaanyuan niya. Iyon lang ang nakalagay sa papel. Hindi pa pinaalam ni Wilder na secret agent si Jasper at Anna. “Nagkaayos na kaya sila?” naitanong na lamang ni Amira nang maalala ang nangyaring away sa pagitan ni Wilder at Ibbie habang nakatingin pa rin sa papel. May pumasok namang Mafiusa para ilapag na sa gilid ng table ang mga pinabiling pagkain ni Mortem dahil hapon na at hindi pa sila nakakakain. “Wilder and Ibbie?” ani Mortem at napatango na lang si Amira. “I don’t know, baby. Knowing na gano’n ang ugali ni Ibbie. Matatagalan pa yata silang magkaayos.”   Nagpasalamat si Amira sa babae bago ito lumabas. Mayamaya pa ay sinimulan na nilang kumain habang abala pa rin sa kanilang ginagawa. “Depende na lang kung may gawin si Wilder?” dagdag ni Amira. “Hindi niya naman siguro papabayaan na masira ang pamilya niya,” at sumubo na nang pagkain. “They should listen to each other. Not just talk, iyon ang nawawala sa kanila kapag nag-aaway na.” Sumang-ayon si Amira. “Part of it, kasalanan ko rin. Sinabi ko na lang sana agad sa kanila dahil malalaman at malalaman din nila. Ang dami ko ng iniisip, hindi ko man lang na-realize ‘yong mararamdaman nila. Nakakapagod…at hindi ko naman akalain na hindi matatanggap ni Ibbie.” “It’s not your fault, baby. Sigurado ako na hindi ikaw ang dahilan. Away mag-asawa na ‘yon, labas na tayo ro’n,” malumanay niyang sabi upang pagaanin ang loob ng asawa. Nang hindi sumagot si Amira, bumuntong-hininga lang ito ay ibinaba niya muna ang papel na hawak niya saka tinabihan si Amira. “Kumain muna tayo, mamaya na ‘yan,” dagdag niya na nagpangiti kay Amira. Muli niyang naisip kung gaano maalaga ang kanyang asawa. “Ang bait-bait talaga ng asawa ko,” at mabilis na hinalikan sa labi si Mortem. “Syempre, sa’yo lang,” at hinalikan din si Amira sa labi. Pagkatapos kumain ay pinaligpit na nila ito at bumalik na sila sa kani-kanilang pinagkakaabalahan. “Jasper, Anna, and Snow, done.” Sambit ni Amira. “Next is…” hudyat ni Amira para sunod na magsalita si Mortem. Ayon sa profile… Demone Gozon: 18 years old, male. From Inferno Gang. Skills – Shooting, archery, combat: martial arts, boxing, fencing, and using daggers. Others: High intelligence and personality skills. Top skills – Anything. Halos lahat ay kaya ng gawin ni Demone, kaya siya rin ang naging lider bukod sa edad niya na siya ang pinakamatanda sa grupo. Siya rin ang pinakakilala sa Mafia University, naging matunog na ang pangalan niya.   Visca Kanzas: 16 years old, female. From Inferno Gang. Skills – Technology, Shooting, combat: martial arts, and using daggers. Others: High intelligence and personality skills. Top skill – Sniper. Katulad ni Anna, may angking talino rin si Visca lalo na sa memorization. “Demone and Visca, innocent.” Tugon ni Mortem. “They’re good at Mafia University,” puri niya sa dalawa. Muling napangiti si Amira at pinuri din ang dalawa. Sunod naman ay tatlo ulit ang tinignan ni Amira. Ayon sa profile… Yumi Khan: 8 years old, female. Daughter of Rara Khan and Daem Willis. From Vermilion Gang. Skills – Shooting and martial arts. Others: High intelligence and personality skills. Top skills – Planning and shooting. Pinasadahan lang ng tingin ni Amira ang files ni Yumi dahil alam niya namang inosente ito at ang totoo nitong kalagayan. “Makakasama ba si Yumi sa competitions?” “Apparently, yes baby. Hindi lang siya p’wede sa mabibigat na kompetisyon. Nasabihan ko naman na si Daem. Hinihintay ko na lang ang desisyon nila,” anito habang may tinitipa na sa laptop.  Napatango si Amira. “Mabuti naman. May magmo-monitor na lang siguro sa kalagayan niya.” Simon Perez: 10 years old, male. From Vermilion Gang. Skills – Shooting, combat: martial arts, and boxing. Others: Average intelligence and high personality skills. Top skills – Shooting and taekwondo. Philip Micasa: 16 years old, male. From Vermilion Gang. Skills – Shooting, and martial arts. Others: High intelligence: technology and average personality skills. Top skills – Martial arts. “Yumi, Simon, and Philip, done.” Sunod namang binanggit ni Mortem ang mga estudyante na nasa ibang Mafia. Inosente rin ang mga ito dahil wala silang nakita na mag-uugnay sa Imperial Mafia. Pagkatapos maipaliwanag ni Mortem ay tinignan naman ni Amira ang profile ng dalawang anak ni Fairoze at Ryker. Ayon sa profile… Roze Nash: 15 years old, female. Daughter of Fairoze Cox and Ryker Nash. From Jet black Gang. Skills – Shooting, archery, combat: martial arts, fencing, and using daggers. Others: High intelligence and average personality skills. Top skills – Shooting, using swords and daggers. Napangiti na lamang si Amira nang makita ang score ni Roze sa sword fighting. Siya palagi ang nakakauno. Natandaan niya no’ng nasa Pilipinas pa siya, iyon ang madalas niyang gawin sa mansyon ng kanyang lolo. Iza Nash: 17 years old, female. Registered as daughter of Fairoze Cox and Ryker Nash. From Jet black Gang. Skills – Shooting, combat: martial arts, fencing, and using daggers. Other: High intelligence and low personality skills. Top skills – Anything. “There is still something wrong with Iza,” napagtantuan ni Amira habang paulit-ulit na binabasa ang personality skills nito. “Wala pa rin bang pinagbago sa last take niya ng personality test?” tanong ni Mortem habang nakatingin na ang mga mata sa asawa. “Yes, baby.” Pagtango nito at ipinakita na kay Mortem. “She’s still emotionless. Parang robot.” “Really? I don’t think so.” Napakunot naman ang noo ni Amira. “Bakit?” “Sa nakikita ko, hindi na. Parang unting-unti na siyang nagbabago dahil kay Demone. Pansin ko ‘yon simula nang makita ko silang dalawa na magkasama,” paliwanag niya. “Iba na ang nakikita ko sa mga mata niya hindi katulad dati na pahirapan pang kausapin si Iza.” Dahil sa sinabi ni Mortem ay muling sumilay ang ngiti sa labi niya. “There’s love between the two of them.”  “Yes,” at ngumiti na rin si Mortem. “Hayaan na lang muna natin sila. Next time, ipa-check na lang ulit natin si Iza. Ako ng bahala magsabi kay Ryker.” Napatango na lang si Amira at ipinagpatuloy na ang ginagawa niya. “Roze and Iza, done.”   Ayon sa profile… Gabriel Palmer: 14 years old, male. Son of Zurikka Ross and Kane Palmer. From Fallen Angel Gang. Skills – Shooting, combat: martial arts, fencing, and using daggers. Other: High intelligence and average personality skills. Top skills – Shooting any kind of gun and being a sniper. At ang pang-huli. Aeron Smith: 16 years old, male. From Fallen Angel Gang. Skills – Shooting, combat: martial arts, boxing, fencing, and using daggers. Other: High intelligence and personality skills. Top skill – Anything. “Sa mga bata natin, okay naman silang lahat,” ani Amira matapos i-check lahat. Gano’n din si Mortem, wala siyang nakitang iba. “Oh, yes! Muntik ko ng makalimutan,” biglaang sabi ni Amira nang matandaan ang pinag-usapan nila kanina ni Mrs. Hatia. “Mayroon pa tayong pag-asa,” dagdag niya at kinuha na ang folder na suitcase saka ibinigay ‘to kay Mortem. “Santo Ria Mafia?” napakunot na lang ang noo ni Mortem nang mabasa na ang nakasulat sa papel. “Yeah, mukhang bago pa lang ang Mafia na ‘yon. Hindi ko rin alam ang tungkol sa kanila,” at ipinaliwanag din ni Amira ang mga napag-usapan kanina at ang plano niya para sa mangyayaring kompetisyon kung saan ang dalawang bata sa Santo Ria Mafia ay makakasama ng labing-dalawa. “Sinabihan ko na rin ang mga tauhan natin na hanapin sa Italy ang SR Mafia. Nasisiguro ko na maaaring may kinalaman ang isa sa dalawang bata na ‘yon sa pagiging traydor dito sa MI dahil galing sila sa Italy.” Napatango si Mortem. “Pagkatapos ng seremonya ay aalis na rin tayo papuntang Italy. Makikita na natin ang Gem Mafia at handa na rin ang mga tauhan natin.” “Oo, ilang araw na lang, Mortem…” Samantala, sa pamilya ni Snow. “What happened?” anito habang nagbabadya na ang luha na lumabas sa kanyang mga mata. “Bakit kailangan n’yong mag-away, Mom? Dad?” Dahil sa biglaang pagdating ni Snow ay naudlot ang pag-alis ni Ibbie. Ang gusto lang naman ni Ibbie ay makalayo muna kay Wilder para palamigin ang ulo niya. Hindi niya naman intensyon na iwan talaga sila lalo na si Snow ngunit ayaw pumayag ni Wilder kaya nagmukhang kaawa-awa si Wilder sa harapan nito. Matapos ang pangyayaring ‘yon ay ipinaliwanag ni Ibbie at Wilder ang kanilang side kay Snow. Tuluyang sumakit ang ulo ni Snow habang pinapakinggan ang kanyang mga magulang habang nagku-kwento ito. Hanggang sa naisipan ni Snow na paghiwalayin muna sila. Tuluyan nang umalis si Ibbie, hinayaan na muna ni Snow ang Ina niya na mag-stay sa hotel. Nakapag-usap naman na sila at naintindihan niya ang kanyang Ina. Habang si Wilder na Ama niya ay nanatili sa mansyon at para na rin kay Snow. Ayaw pa nga niyang paalisin si Ibbie ngunit wala na siyang nagawa dahil ang anak niya na mismo ang pumigil sa kanya. “Dad, I still love you even though you said those words to Mom,” at napabuntong-hininga. “Hindi ko lang akalain na magagawa mo ‘yong sabihin kay Mommy. Are you really okay, Dad? Kahapon ko pa napansin na wala ka talaga sa mood,” dagdag niya dahil hindi niya maitatago ang kalagayan ng kanyang Ama. “I’m fine, Snow. I’m just tired. That’s why I let my emotions ruined everything.”    “That’s the reason why my Mom wants to leave muna. I know you feel sorry, but you still keep thinking that it’s Mom’s fault, e kayo namang dalawa ang may kasalanan. Hindi n’yo ba nakikita ‘yon?” she said while feeling frustrated. “I can’t believe na akong anak n’yo ang mag-aayos nito? Come on, adults na kayo!” pag-akto niyang naiinis pero ang totoo ay naaawa siya. Hindi niya akalain na masusubaybayan niya ang pag-aaway ng kanyang magulang.    Muling napasabunot sa buhok si Wilder. “Sorry, Anak. Let me rest,” tanging nasabi nito. “If you still love her, then act like it. If you don’t mean it about what you said to her, then be responsible for it, Dad,” at niyakap niya na ang kanyang Ama. “I hate people who are only good at words.” Napatango na lang si Wilder, walang masabi sa kanyang anak dahil tagos sa puso niya ang mga sinabi nito. At tuluyan nang umalis si Snow sa kwarto. Hinayaan niya na ang kanyang Ama sa loob. Iyon lang ang tanging paraan na nakikita niya para magkabati na ulit ang mga magulang niya. Inaasahan niya na hindi matitiis ng dalawa ang isa’t isa kaya pinaglayo niya muna ito. Nakasalalay na lamang kay Wilder o Ibbie kung sino ang unang bibigay. Kung wala pa ring mangyayari, siya na mismo ang gagawa ng paraan para magkabati ang mga magulang niya kung saan magpapaka-rebelde na naman siya para lang makuha ang gusto niyang mangyari. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD