CHAPTER 10

2983 Words
Viner Ang walo ay handa na para magtungo sa kani-kanilang HQ bago pumunta sa ibang bansa para sa huling habilin ng mga Mafia boss. Nakaabang na ang mga Mafiusung maghahatid sa kanila, hinihintay na lang silang makalabas sa mansyon. Matapos nilang magbihis ay sabay-sabay nang bumaba ang pito, nagkaharap sila sa sala at ipinagdikit ang buko ng mga daliri. “La Mafia!” sunod-sunod nilang sabi habang tinitignan ang bawat isa. Normal na kasuotan ang sinuot nila, ang importante nilang mga gamit ay nasa suitcase na dala nila. Paglabas sa mansyon ay nagpaalam na sila sa isa’t isa, sumakay na sila sa sasakyan at nagtungo na sa HQ na kanilang pupuntahan. “Makakasama ba natin si Iza?” natanong ni Visca. “I don’t know, walang sinabi sa akin kahapon. Baka mamaya pa natin malalaman kung sino-sino ang makakasama natin,” tugon ni Demone habang ang mga mata ay nakatingin sa labas. Napatango na lamang si Visca at hindi na inabala si Demone. Tahimik lang ang byahe nila. “Okay ka lang?” natanong naman ni Jasper kay Anna dahil pansin niyang kinakabahan ito. “Yeah, medyo kinakabahan lang. Parang ayoko umalis…” “H’wag ka mag-alala, nandito naman ako bilang partner mo,” nakangiting sabi ni Jasper at saglit na hinawakan ang balikat ni Anna. Tumango na lamang si Anna at ngumiti saka napahinga nang malalim upang pakalmahin ang sarili katulad ng palaging sinasabi sa kanya ni Zurikka. Sa kabilang sasakyan naman ay si Philip at Simon mula sa Vermilion Gang na hindi naimik, tahimik lang din sila habang nakikinig sa music. Malapit na sila sa HQ ng Vermilion, ano mang oras ay makakausap na ulit nila si Rara Khan at Daem Willis. Habang si Aeron ay tahimik lang din na pinagmamasdan ang paligid mula sa bintana ng sasakyan na mag-isa sa likod, pahapyaw naman siyang sinusulyapan ng Mafiusung driver mula sa salamin. Gusto niya man ‘tong kausapin ay nanahimik na lang din siya dahil alam niyang hindi sanay makipag-usap ang bata. “Sana makasama kita…” sa isip-isip naman ni Aeron.     Inferno Gang (HQ) Hinihintay na ni Mortem si Visca at Demone sa loob ng opisina niya kasama ang ilang Mafiusu’t Mafiusa. Mula sa kanya, malalaman ni Demone at Visca kung saan sila pupunta at kung ano ang gagawin nila roon. Habang si Amira ay nasa Open area na kasama si Tim at ilang mga tauhan nito para hintayin ang mga bata. “Boss, nandito na sila,” sabi ng Mafiusung driver na naghatid kay Demone at Visca pagbukas ng pinto. Napunta ang tingin ni Mortem sa dalawang bata na nasa likuran ng Mafiusu. Pagpasok nila ay tumungo na si Demone at Visca upang magbigay-galang kay Mortem. “Maupo kayo,” ani Mortem na nakaupo. Pinapagitnaan siya ng dalawang sofa at lamesa na nasa gitna. Nasa likuran niya naman ang mga Mafiusu’t Mafiusang tauhan niya na tahimik lamang at nakikinig. Nang makaupo na si Demone at Visca ay sinimulan na ni Mortem na ibahagi ang kanyang nalalaman tungkol sa misyon na gagawin nila. “Kayo ay pupunta sa Pilipinas upang hanapin ang Wipon Mafia. Check your phones later, ise-send doon ang lugar at details tungkol kay Dethro, ang Mafia Boss ng Wipon para mahanap n’yo siya dahil nakasalalay sa kanya ang misyon na gagawin ninyo,” saad ni Mortem at saka inutusan ang isang Mafiusu na nasa likod niya upang kunin ang isang folder na naglalaman ng files at itsura ng mga nasa Wipon Mafia. “Take a look and familiarize their faces,” dagdag niya matapos abutin ni Demone ang folder. Binigay naman ni Demone ang folder kay Visca upang ito na lang ang tumingin. Malakas ang memorya ni Visca kaya pagdating sa mga kailangang tandaan ay palagi siyang maaasahan habang si Demone ay sa pakikipaglaban. “Huwag n’yo ring kakalimutan na nasa ibang bansa kayo. Oras na mahuli kayo hindi na namin kayo responsibilidad kaya kailangan n’yong maging maingat.” “Yes, Boss!” tugon ng dalawa. “Good, mag-iingat kayong dalawa. Sa Open area n’yo na malalaman kung sino pa ang dalawa na makakasama n’yo sa misyon. Ang Reyna na ang magsasabi sa inyo.” “Masusunod,” tugon ni Visca at ibinaba na ang folder sa lamesa. Tapos niya ng basahin at i-memorize ang itsura ng mga tao sa Wipon Mafia lalo na ang itsura ni Dethro Wipon. Tuluyan nang tumayo si Demone at Visca, muli silang tumungo bago lumabas kasama ang Mafiusu na maghahatid ulit sa kanila sa Open area. Pagsara ng pinto ay pumunta na sa harapan ang mga tauhan ni Mortem na kanina ay nasa likod niya, naghihintay sa bagong i-uutos ni Mortem. Mayamaya pa ay tumayo na rin si Mortem. “Ipagpatuloy n’yo na ulit ang pag-imbestiga. Oras na may makalap kayong bagong impormasyon ay sabihin n’yo agad sa akin.” “Roger, Boss!” tugon nila at lumabas na. Bumalik na si Mortem sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at pinagkrus ang mga daliri habang nakapatong ang siko sa table. Muli niyang pinag-isipan ang susunod na hakbang upang mahuli na sa lalong madaling panahon ang traydor sa isla.   Jet Black Gang (Mansion) “Tumawag ka agad kapag nagka-problema, ha? Hindi mo kami makakasama ng Daddy mo kaya palagi mong iingatan ang sarili mo, Roze,” hanggang ngayon nag-aalala pa rin si Fairoze para sa kanyang anak lalo na’t sa Japan gaganapin ang misyon ni Roze kasama ang iba na makakasama ng anak niya. Sa nakaraang meeting nila ay mas naintindihan niya si Zurikka dahil siya bilang Ina rin ay hindi mapigilang mag-alala para sa kanyang anak na si Roze pati na rin kay Iza. “Yes, Mom. We’ll be fine. Hindi n’yo ako magiging anak ni Daddy kung hindi naman ako kasing-tapang n’yo,” tugon ni Roze habang tinatalian niya na ang buhok niya ng pa-ponytail. Pinapanood naman siya ni Fairoze, nakaupo lang ito sa couch. Maya’t maya ay napabuntong-hininga ito saka lumapit na sa kanyang anak. Hinawakan niya ito sa magkabilang-balikat habang nakatingin sa repleksyon nilang mag-ina sa salamin. “I’m so proud of you, Anak.” “Thank you, Mom,” at ngumiti na si Roze. Matapos mag-ayos ni Iza ay lumabas na siya sa kanyang kwarto at nagtungo sa workroom ni Ryker katulad ng utos sa kanya kanina na bago umalis ay magtungo muna sa kwarto upang pag-usapan ang tungkol sa misyon. Kumatok muna siya bago pumasok. “Dad?” aniya. “Iza,” ani Ryker at pinaupo niya na si Iza sa harap niya. Pinapagitnaan sila ng table, nakaupo sa leather chair si Ryker habang si Iza ay nakaupo naman sa round chair. “Magkahiwalay kayo ni Roze,” panimula ni Ryker habang nakatingin sa files na hawak niya. “Siya sa Japan, ikaw naman ay sa Philippines kasama sila Demone,” habang ipinapaliwanag ni Ryker ang tungkol sa misyon ni Iza ay ipinaliwanag naman ni Fairoze ang tungkol sa magiging misyon ni Roze.  “I’ll do my best, Dad,” ani Iza pagkatapos magpaliwanag ni Ryker. “I know you will, and I’m proud of you, Iza. Proud ako sa inyong dalawa ni Roze. Salamat at nagkaayos na kayo,” nakangiting sabi ni Ryker. Tuluyan na ring ngumiti si Iza. “Thank you, Dad.” Pagkatapos nilang mag-usap ay lumabas na sila sa kwarto at bumaba na, hinihintay na lamang nila ang dalawa. Makalipas ang ilang minuto ay nakababa na si Fairoze at Roze. Nang makita ang mag-ina ay tumayo na si Iza at Ryker na naghihintay sa sala. “Ready?” tanong ni Ryker sa dalawa niyang anak. “Ready,” sabay na sagot naman ni Iza at Roze. Hydra Gang (HQ) Naunang bumaba sa sasakyan si Jasper, mayamaya pa ay sumunod na rin si Anna. Nakasunod lamang sila sa Mafiusang naghatid sa kanila. Pagpasok nila sa gusali ay lahat naman ay napapatungo sa kanila sapagkat mataas na rin ang ranko nila dahil sa nakuha nilang mataas na marka mula sa test na ginanap sa Mafia University at kilala rin sila bilang Agent ng Hydra. “Good luck,” sabi ng Mafiusa at binuksan na ang pinto patungo sa loob ng opisina ni Wilder. Tumango na lamang si Jasper, seryoso na ang aura nito habang si Anna ay nagawa pang ngumiti sa kabila ng kaba na nararamdaman. Pagpasok nila sa loob ay sinalubong na sila ni Wilder. Kaagad silang napatungo nang bumungad sa kanila si Wilder, natawa na lamang ang Mafiusu at pinaupo na sila para mapag-usapan na ang tungkol sa misyon nila. “Kumusta kayong dalawa? Mukhang kinakabahan ang isa, ah,” nakangiting sabi ni Wilder habang nakatingin kay Anna. Nahihiya namang napayuko si Anna. “Ako na pong bahala rito sa partner ko,” ani Jasper at marahang inakbayan si Anna. “Nako, pinaghiwalay ko kayong dalawa,” napaupo nang dekwatro si Wilder. Casual lang siya kung makipag-usap upang maibsan kahit papaano ang kaba ng dalawang bata na nasa harapan niya.   Bahagyang nanigas si Anna sa kanyang inuupuan nang marinig ang sinabi ni Wilder habang si Jasper ay kalmado pa rin.  Tuluyan nang natawa si Wilder dahil sa nakita niyang reaks’yon ng dalawa. “Hindi kayo magiging Agent ng Hydra kung gan’yan kayo, Jasper at—” bahagya siyang tumigil. “Anna,” mariin niyang sabi dahilan para mapatingin na sa kanya si Anna. “Kaya kayo sinasabak sa misyon para mapatunayan n’yo na karapat-dapat kayo maging Mafiusu o Mafiusa. At isa pa, hindi ko kayo papabayaan.” Napakunot ang noo ni Jasper. “Ano pong ibig mong sabihin?” “May magbabantay naman sa inyo hindi n’yo nga lang malalaman kung nasaan sila at ako na ang bahala ro’n,” at kumindat pa siya kay Anna na ngayon ay nakangiti na. “Kaya gawin n’yo ang makakaya ninyo. Sa Open Area n’yo na malalaman kung sino pa ang iba n’yong makakasama. Kailangan n’yo lang ‘tong tandaan,” at binigay niya na kay Jasper at Anna ang folder na naglalaman ng importanteng detalye tungkol sa mga taong kailangan nilang lapitan. Katulad lang din ni Visca si Anna. “Sa Japan ang destinasyon mo Jasper at ikaw Anna sa Spain.” “Spain?” pag-ulit ni Anna. Hindi siya makapaniwala. Nanlaki naman ang mga mata ni Jasper. Pangarap niya pa namang pumunta sa Japan na mangyayari na. “Yes,” nakangiting tugon muli ni Wilder. “Masusunod po!” tuwang-tuwa nang sabi ni Jasper. “Mabuti,” at inilahad niya na ang kamay kay Anna. “Kakayanin mo, isa kang Agent ng Hydra kaya h’wag kang matatakot,” seryoso nang saad nito. Tuluyang lumakas ang loob ni Anna dahil may tiwala pa rin si Wilder sa kanya. “Yes, Boss!” tugon niya at inabot na ang kamay ni Wilder. Nakipagkamayan din si Jasper kay Wilder. “Make me proud again, Jasper.” “By all means, Boss!” tugon ni Jasper. “Very well,” ani Wilder at bago pa man makalabas ang dalawa ay may sinabi pa siya dahilan upang mas lumakas ang loob ni Jasper at Anna.   Vermilion Gang (HQ) Kasalukuyan nang ipinapaliwanag ni Rara at Daem kay Simon at Philip ang mga mangyayari at mga kailangan nilang tandaan sa oras ng misyon. Habang si Yumi ay nasa dulo ng sofa, nakatingin sa gadget na hawak niya na tila walang importanteng misyon na pupuntahan. “Naiintindihan ba?” ani Rara sa dalawang lalaki. “Yes, Ma’am,” tugon nila. Bahagya namang tinignan ni Daem ang kanyang anak na tahimik sa dulo, napabuntong-hininga na lamang ito at ibinalik na ang tingin kay Simon at Philip. “Sa Open area n’yo na malalaman kung sino pa ang makakasama n’yo pero ngayon pa lang sasabihin ko na, Simon…” sandaling napahinto si Daem. “Makakasama mo si Yumi, ikaw na ang bahala sa kanya.” “Yes, Boss,” tugon naman ni Simon. “Yumi, narinig mo ba?” pagpukaw naman ng atensyon ni Daem sa kanyang anak. “Yes, Dad,” at napaayos na ng upo si Yumi. “Relax, okay? I can do it,” dagdag niya pa. Napangiti na lamang si Rara at sinabi na kay Philip na magkahiwalay sila ni Simon. Hindi naman nagreklamo si Philip dahil kahit saan siya mapuntang grupo ay gagampanan niya ng maayos ang kanyang tungkulin. Pagkatapos ay pinahatid na nila ang tatlong bata sa Mafiusu upang dalhin na sila sa Open area. “Magiging okay lang kaya si Yumi?” tuluyan nang lumabas ang pag-aalala kay Rara nang makaalis na ang anak. Niyakap naman siya ni Daem. “She’ll be okay. Nakita mo naman ang anak mo na hindi man lang kinakabahan. Kagabi pa nga excited.” Muling napangiti si Rara. “Yeah, okay. I know she can do it.” “Of course, she’s our child.”   Fallen Angel Gang (Mansion & HQ) “Are you ready to go?” tanong ni Zurikka kay Gabriel. Nasa mansyon sila habang si Kane ay nasa HQ para ipaalam kay Aeron ang tungkol sa misyon. “Mag-iingat ka, Gabriel. Sinasabi ko sa’yo kapag nasugatan ka kahit man katiting lang ‘yan, papauwiin agad kita,” dagdag ni Zurikka nang hindi sumagot si Gabriel dahil abala ito sa paglagay ng suitcase sa compartment ng sasakyan.   Napabuntong-hininga naman si Gabriel. “I’ll be fine, Mom. Bini-baby mo na naman ako, e malaki na nga ako. Kaya ko na ang sarili ko.” “Sinasabi mo lang ‘yan dahil palagi kang pinagsasabihan ng Daddy mo.” “No, Mom. Just trust me, okay?” Walang nagawa si Zurikka kundi pakawalan na ang anak. Niyakap niya muna ‘to bago papasukin sa loob ng sasakyan. “I’ll go now, love you.” “I love you, Anak,” tugon ni Zurikka at sinara na ang pinto pagpasok ni Gabriel sa sasakyan. Alam ni Zurikka kung gaano na ka-mature ang pag-iisip ni Gabriel dahil nagmana ito kay Kane. Sa murang edad, madami ng natutunang gawin si Gabriel dahil sa mga tinuturo ni Kane kaya p’wede ng mag-isa ang anak nila ngunit hindi niya pa rin mapigilang mag-alala bilang Ina.   HQ “Sir, hindi ko ba talaga p’wedeng makasama si Roze?” tanong naman ni Aeron kay Kane nang matuklasan na hindi niya makakasama si Roze sa misyon. “Aeron, your emotions will hinder you if you are going to let that desire takes over you,” seryosong sabi ni Kane. “Alam ko na may nararamdaman ka na sa anak ni Ryker pero isipin mo na kapag kasama mo siya mas magiging delikado ka sa misyon dahil hindi lang ang sarili mo ang iisipin mo kundi ang babae ring mahal mo.” “But, Sir, I know myself. I’ll be able to handle it.” Napabuntong-hininga si Kane. “Kapag natapos mo ng maaga ang misyon n’yo sa Pilipinas, hahayaan kitang sundan si Roze.” Tila nagliwanag ang mga mata ni Aeron na kanina ay parang mawawalan na ng buhay. Sa mga oras na ‘yon, nakikita ni Kane kay Aeron ang ekspresyon nito sa mukha mula sa matalik niyang kaibigan na si Mortem. “Thank you, Sir!” “Just be careful,” paalala ni Kane. “I’ll keep that on mind.” Samantala, si Ibbie at Snow ay nasa byahe na patungo sa Open area. Habang nagmamaneho si Ibbie ay saka niya naman ipinaliwanag kay Snow ang tungkol sa misyon. “Mom, I get it. I’ll be fine, don’t worry. I promise I’ll f*****g behave myself in the mission.” “Gosh, Snow Malice! Your mouth!” saway ni Ibbie. “Mana sa’yo,” at napangiti na lang si Snow dahil natutuwa talaga siya kapag nagagalit ang Ina niya. “I can’t believe you and your Father. Palagi n’yo na akong pinagtutulungan,” at bahagya pang napairap si Ibbie. “We just love to tease you, Mom,” at bahagyang natawa. “So, can you please tell me now kung sino ang makakasama ko sa misyon, Mom? Please?” dagdag niya. Napabuntong-hininga naman si Ibbie at niliko na ang manubela, malapit na sila sa Open Area. “Gabriel Palmer—” hindi pa natatapos ni Ibbie ang kanyang sasabihin nang mag-react na agad si Snow. “Oh, come on! Really? Kahit saan yata kasama ko na lang palagi si Gab!” reklamo nito. “Why? You don’t want to? I’m sure he’ll protect you, Anak.” “Mom, I don’t want to be protected. Kaya nga may misyon para mahasa ang kakayahan namin bilang parte ng Mafia, ‘di ba?” at napabuntong-hininga ito. “So, I don’t want you and Daddy to see Gabriel as my protector or bodyguard. He’s my friend and special to me. Besides, I can handle myself. I’m more than as a woman.” “Oh, are you really a ten years old girl? You’re already matured. I love that!” natutuwang sabi naman ni Ibbie. “Of course! Mana ako sa’yo, Mom. Nagawa mo ngang mamuhay na wala sila lola at lolo sa tabi mo, eh kaya bilang anak mo, matapang din ako.” Sakto naman nang makarating na sila sa Open area. Ipinarada muna ni Ibbie ang sasakyan sa gilid saka tinignan na ang anak at niyakap. “I love you, my daughter.” “Mahal ko rin kayo ni Daddy!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD