CHAPTER 32

2309 Words
Part 2 – Mission Spain Pagbalik ni Anna ay lakas-loob siyang lumapit kay Ken na nakaupo pa rin habang ang dalawang paa ay nakapatong sa table. “Anong pag-uusapan natin?” malamig niyang sabi pagkaupo sa upuan kung saan malapit sa lalaki. Ken crossed his arms. “Is this yours?” aniya at inilabas na ang cellphone mula sa kanyang bulsa para ipakita mula sa kanyang gallery ang litrato na may kinalaman kay Anna. Nang kunin ito ni Anna ay napansin niya na agad ang nasa picture. Iyon ang spy cam na ginawa niya, si Stella. Wala na siyang maidadahilan kaya tuluyan na siyang umamin at kahit saan pa tignan, alam niyang mahuhuli siya dahil na rin sa naging usapan nila Mitra kahapon. Alam niya na bago pa magpunta rito si Ken ay kilala na siya nito. “Yes, that’s my robot, a spy cam named Stella.” Bahagya namang natawa si Ken dahil hindi niya akalain na may pangalan pa ito. Napalitan din ng pagkaseryoso ang ekspresyon ng mukha niya nang mapansing hindi nagbibiro si Anna. “Okay, then you know that it’s a big disappointment that you have been caught.” “I know, and I’m willing to take the consequences when I get back to Mafia Island, but for now, I need to accomplish this mission. As a secret agent, I’m still a child. I know that I need to learn more to be a great agent like other spies in the Mafia.” Tuluyang umayos si Ken, ibinaba niya na ang kanyang mga paa saka tumayo. “Impressive,” aniya at nagpalakad-lakad na sa likuran ni Anna habang malalim ang iniisip. Inilagay niya ang mga kamay sa likod sabay hinto sa paglalakad sa harap ng bintana upang dumungaw. “You’re from Hydra Gang, right? Your Boss is Wilder Gill. Anong nakita niya sa’yo at ginawa kang agent sa murang edad?” “I have knowledge of science and technology. Madami na akong nagagawa simula no’ng magsimula akong mag-aral sa Mafia University. Hindi niya pinansin ang kahinaan ko sa pakikipaglaban dahil kasama ko si Jasper…” hindi niya ipinaalam na mayroon pang isang secret agent. “Ang nagustuhan niya sa ‘kin ay katalinuhan ko at kung paano ko gamitin ang teknolohiya sa mundong ‘to kaya nagawa kong maging spy kahit na hindi ko kailangan makipaglaban.” “I see,” ani Ken at humarap na kay Anna. “Kilala mo na ang pagkatao ko, hindi ba?” Tumango si Anna at nakipaglaban din nang titigan kay Ken. “You’re a Mafia Reaper of Gem Mafia. Asawa ni Elizabeth Caxton, ang dakilang Mistress ng Mafia world. Isa sa impormasyon na nakalap ko ay nakikipag-ugnayan na kayo sa Imperial Mafia, ang mortal na kaaway ng Mafia Island.” “Indeed,” aniya at lumapit na kay Anna. “Ngayon pa lang dapat nai-report mo na ako sa Boss n’yo, hindi ba? Pero hindi mo ginagawa. Bakit kaya? Iyon ang nakikita ko sa mga mata mo.” Napaiwas naman ng tingin si Anna, napatungo siya saka sinagot si Ken. “Nandito ka para tulungan kami, ‘di ba? Gusto kitang pagkatiwalaan dahil kay Mitra at sa mga sinabi mo kanina…hindi kita nakikita bilang kaaway. I just need one reason, Mister Ken. Reason for doing this…dahil kung masama ka talaga patay na dapat ako nang malaman mo kung kanino galing si Stella.” “What a great thinking, Miss Anna,” nakangiti nang sabi ni Ken dahilan para tignan na siya ni Anna. “Kung isang rason lang ang kailangan mo, bibigyan kita. Remember this, we’re not your enemies. Mapapatunayan ko sa’yo ang Gem Mafia kapag nagtagumpay kayo sa inyong misyon. Trust my word, Miss Anna. Let me prove it to you,” at inilahad niya na ang kanyang kamay. Isang kamay na magpapabago sa pananaw ni Anna tungkol sa Gem Mafia. “Wala ng atrasan ‘to. Sana tama ‘tong ginagawa mo, Anna…” sa isipan niya. “Okay,” aniya matapos hawakan ang kamay ni Ken.   Meanwhile… “I’m worried about Anna. Is she going to be okay?” tanong ni Snow pagpasok nila sa kwarto. Nakaupo na siya sa kama habang si Gabriel ay nakatayo sa harapan niya. “She will be fine. She can handle it.” “P’wede naman ako na lang kung ayaw niya—” natigilan na lang si Snow sa pag-iling ni Gabriel. “Why?” pagbabago niya ng sagot. “That’s not going to happen. Ako ang makakasama mo, hindi ang Mafiusung ‘yon.” “Selos ka?” nakangusong sabi ni Snow na napalitan din nang tawa dahil nakasimangot na sa kanya ang lalaki. Pagtayo niya ay niyakap niya na si Gabriel. “Thank you, Gab. Walang makakapagpahiwalay sa atin, ‘di ba?” “Wala, Snow. I promise you that.” Mayamaya pa ay lumabas na si Gabriel sa kwarto ni Snow. Babalik na sana siya sa kanyang kwarto upang magpahinga muna ngunit nakita niya si Philip. Naisipan niyang kausapin na ang lalaki tungkol sa bumabagabag sa isipan niya. Nakahawak na si Philip sa door knob papasok sa kanyang kwarto nang bigla na lang sumulpot sa likuran niya si Gabriel. “Bakit?” aniya at humarap na kay Gabriel. “Something’s wrong, isn’t it?” Napabuntong-hininga naman si Philip. “Meron, pero hayaan n’yo nang si Anna ang magsabi sa inyo.” “Are you serious? Ikaw ang lider ng grupong ‘to. You should know better,” at hinawakan niya na ang kwelyo ni Philip. “Paano kung nakasalalay pala ito sa MI, hindi man lang natin sasabihin sa nakakataas kung anong problema?” “Wala kang alam sa pinagdadaanan ni Anna kaya tumahimik ka na lang, p’wede ba?” napahawak siya sa kamay ni Gabriel na malapit na siyang masakal. “Anong mas gusto mo? Mapahamak pa si Snow? Iyon ba, ha?” mariin niyang sabi. Alam niyang may namamagitan sa dalawa kaya nagawa niya ng banggitin ang babae. Tuluyang napabitaw si Gabriel. Pangalan pa lang ni Snow, ayaw niya ng madawit sa gulo. “Kaya hindi na namin pinaalam sa inyo para hindi na lumaki ‘to. Makakaasa kayo na hindi mapapahamak ang MI dahil kay Anna.” “Siguraduhin n’yo lang dahil sasabihin ko talaga ‘to kay Ama kapag mali ang naging desisyon n’yong dalawa.” Tumango na lamang si Philip at pumasok na sa loob ng kwarto habang si Gabriel ay nagtungo na rin sa kanyang kwarto.     10 PM Pagsapit ng gabi, umalis na sila upang magtungo sa kanilang misyon. Makalipas ang ilang oras, mula sa hindi kalayuan ay bumaba na sila sa kanilang mga sasakyan upang pasukin ang Villa ni Romero Flavis. Si Mitra at ng mga tauhan niya ay handa na dahil sa disguise outfit nila para makapasok sa bawat mansyon kung saan may gas tank na pagmumulan ng pagsabog. Lingid sa kaalaman ni Mitra na malaki ang grupo na makakabangga nila kaya mapapabilis ang ganitong plano niya. “Estamos aquí para arreglar el almacenamiento de agua,” pagpapanggap ni Mitra. (Estamos aquí para arreglar el almacenamiento de agua means we’re here to fix the water storage in Spanish) Inako muna nila ang trabaho ng iba para lang makapasok sa loob. Kaagad naman silang pinapasok nang maipakita na nila ang kanilang identification card. Fake I.D na nakuha nila sa mga trabahador. Naka-mask sila dahil sa suot nilang suit na hindi na inabalang tignan ng mga nagbabantay dahil kilala na nila ang mga ito. Hindi nila napansin na ibang tao pala ang nakapasok sa loob. “Nakapasok na kami,” ani Mitra na narinig ng lahat dahil sa suot nilang earpiece. “Well done,” ani Ken. Sa kabilang dako, ang paggalaw naman ng grupo ni Gabriel at Snow. Kasama nila ang mga tauhan ni Ken. Tahimik lang silang umaaligid sa paligid, nakabantay sila sa bawat galaw ng mga kasama ni Flavis.  “Quién eres tú?” sambit ng isang Mafiusung nakakita kay Gabriel. (Quién eres tú means who are you in Spanish) Hindi na nag-aksaya ng oras si Gabriel. Bago pa siya tutukan ng isang lalaki ay kinalabit niya na ang gatilyo ng baril. Nang tumama ang bala sa ulo ng Mafiusu ay bumagsak na ito habang naliligo na sa sariling dugo kasama ang mga kasama nito na napatay rin ni Snow gamit ang kanyang dagger at mga tauhan ni Ken na may dala ring baril. Tahimik lang talaga sila kung kumilos dahil may silencers naman ang kanilang mga baril. “Let’s finish them all,” ani Gabriel sa mga tauhan ni Ken. Gusto niya ng matapos ang trabaho dahil ang gagawin lang naman nila ay patayin ang mga tauhan ni Flavis na nagbabantay patungo sa kwarto ni Romero para mabigyan ng daan sila Philip. “Roger,” tugon nila at nauna na. Pagbaling ng tingin ni Gabriel kay Snow ay hinawakan niya na ang kamay nito. “Ready?” nakangiting aniya sa babae. “As always,” nakangiti ring tugon nito at tumakbo na sila upang ubusin ang mga tauhan ni Romero. Samantala, nakaantabay pa rin si Philip sa signal ni Gabriel. Nasa likuran niya si Anna at Ken. Silang tatlo lamang ang magkasama. Katatapos lang din nilang makipaglaban sa mga Mafiusu’t Mafiusa na sumugod sa kanila kung saan si Philip at Ken lang ang kumilos. Nang marinig ni Philip ang “go” signal ni Gabriel ay pinasok na nila ang hallway patungo sa kwarto ni Romero. Napadali rin ang trabaho nila dahil tinapos na ng grupo ni Gabriel ang mga tauhan ni Romero na nagbabantay sa paligid. “Hanggang dito na lang ako, Anna,” ani Philip sa kalagitnaan ng hallway. Maiiwan siya sa labas upang magbantay. Si Ken ay hindi na huminto. Hinayaan niya muna ang dalawa. Tumango naman si Anna. “Salamat, Philip,” at niyakap niya ang lalaki. Muling natulala si Philip dahil sa biglaang ginawa ni Anna ngunit bumalik din siya sa katinuan nang marinig na ang pagsara ng pinto hudyat na nakapasok na si Anna at Ken sa kwarto ni Romero Flavis. “Twenty minutes na lang bago sumabog ang Villa na ‘to,” paalala ni Mitra sa kabilang linya. Napatingin naman si Philip sa kanyang relo. “Good luck, Anna…” “Ken Howard?” nanlaki ang mga mata ni Romero nang mapagtanto na nasa harap niya nga ang lalaki. “Qué haces aquí, hombre?” nanginginig na ang kalamnan. Hindi siya makagalaw, nanatili siyang nakaupo at nakataas ang mga kamay lalo na’t nakita niyang nakatutok ang baril ni Anna sa ulo niya. Sa isip-isip niya, sumisigaw na siya ng tulong sa mga tauhan niya. Ito ang kahinaan ni Romero Flavis, nakaasa lang siya sa kanyang mga tauhan. Dagdag pa ang maling pagtrato niya sa kanyang mga kasama. Tuluyang dumating ang karma niya sa buhay dahil wala ng tutulong sa kanya. (Qué haces aquí, hombre means what are you doing here, man in Spanish) “Es tu día, Romero Flavis,” nakangising sabi ni Ken at tinignan na si Anna. (Es tu día means It’s your day in Spanish) Tuluyang napaluhod si Romero nang maintindihan ang sinasabi ni Ken ngunit hindi ito natinag sa pagmamakaawa ng lalaki. “Do it now, Anna,” utos niya. Napalunok si Anna at mahigpit na napahawak sa kanyang baril. Ang mga mata niya ay nakatingin lang sa lalaking nakaluhod, nagsisimula na naman ang puso niya. Naaawa siya, hindi niya na naman magawa ang utos sa kanya. Napansin ‘yon ni Ken kaya kinuha niya ang baril kay Anna at ipinakita ang walang awa niyang pagkalabit ng gatilyo sa baril kung saan tumama ang bala sa kamay ni Romero. “That’s how you do it.” Napasigaw naman sa sakit si Romero. Tuluyan siyang napahiga sa sahig habang iniinda ang duguan niyang kamay.   “I…” hindi maituloy ni Anna ang sasabihin. Tila natameme siya sa ginawa ni Ken. “If you can’t kill him. You’re too far to be a Mafiusa. This mission is yours, not mine.” “Hurry up,” muling paalala ni Mitra. “Isipin mo kung sino ang lalaking nasa harapan mo. Bakit mo siya kailangan patayin? Tanungin mo ang sarili mo kung karapat-dapat ba siyang mabuhay o mamatay,” at kinuha niya na ang kamay ni Anna upang ibalik ang baril sa kanya. “You have to be brave. Remember that Flavis Mafia is affiliated with Imperial Mafia.” Napatango na lamang si Anna at iniwan na siya ni Ken. Nakasalalay na kay Anna ang susunod na mangyayari sa grupo nila. Paglabas ni Ken ay nagawa niya namang kausapin si Philip. “Ikaw ng bahala kay Anna,” anito na ikinagulat naman ni Philip dahil naramdaman niya ang kabutihan nito. “Kakampi ka ba talaga namin?” tuluyang naitanong ni Philip. Hindi naman siya sinagot ni Ken, idinikit niya lang ang hintuturo niya sa kanyang labi na naintindihan agad ni Philip. Pagkatapos nang maiksi nilang usapan ay naglakad na palayo si Ken. Nauna na siyang umalis kasama ang mga tauhan niya kasabay nang pagputok ng baril ni Anna. Narinig nilang lahat ‘yon ngunit hindi pa nagtatapos ang misyon nila. Matapos barilin ni Anna si Romero sa ulo ay pinasok na siya ni Philip sa loob. Nang makumpirma na patay na ang Mafiusu ay lumabas na sila at nagpakalayo sa Villa dahil ilang minuto na lang ay sasabog na ito. “Mission complete,” sabay-sabay nilang sabi nang sumabog na ang ilang kabahayan sa Villa at kumalat na ang apoy sa paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD