Japan Kanina pa umaatake si Roze ngunit hindi niya magawang saktan si Jasper. Sa bawat pagsuntok at pagsipa niya ay naiilagan at nagagawang tapatan ng lalaki. Wala pa siyang naipanalo, palagi siyang napapatumba ni Jasper. “Ayoko na nga! Kanina mo pa ako pinapagod,” ani Roze pagbangon niya. Hindi niya tinanggap ang kamay ni Jasper. “Hindi mo lang matanggap na hindi mo ako kaya,” proud na sabi ni Jasper at bumaba na sa platform. “Yabang,” at umirap pa ito. “Ang sama mo talaga. Nagkabati na kayo ni Iza, ‘di ba? Pero ugali mo gan’yan pa rin,” natatawang saad ni Jasper. “Pake mo? At saka, ‘wag ka na nga magpanggap. Mas gusto ko pa na seryoso ka kaysa sa mukha kang palaging joker.” “Yak?” natigilan na lang sa pag-inom ng tubig si Jasper. “Joker? Hindi bagay sa akin, amp!” “Joker

