Imperial Mafia Flashback Napabuntong-hininga siya. “Mistress—” hindi man lang siya pinatapos. "Alam mong hindi ako nakikipagkita kapag ang pag-uusapan ay walang kinalaman sa Gem Mafia,” at pinatayan na siya ng tawag. Napailing na lang siya at kinuha na ang coat upang suotin ulit ‘to. Handa na siyang umalis nang makatanggap na agad siya ng email mula sa Mafia lawyer ng Gem Mafia. Kaagad niya naman ‘tong nireplayan at nagtungo muna sa kabilang gusali upang tapusin ang natitirang meeting niya bago makipagkita sa lalaki dahil matatagalan pa naman ito. Makalipas ang ilang oras ay umalis na siya upang kitain na ang lalaki sa hotel na sinasabi nito. Kasalukuyang nang hinihintay ni Brendan ang Mafia lawyer ng Gem Mafia. Nandito siya sa Millan suite hotel, mula sa lobby. Iyong lalaki an

