“Totoo nga! May pagsabog na nangyari kagabi!” isang balita na naman ang ibinahagi ni Jasper sa kanyang mga kasama. Masyadong malayo ang Viner sa siyudad kaya hindi nila ‘to narinig o naramdaman man lang. “Dakilang tsismoso ka talaga,” ani Philip at napailing na lang habang ang mga mata ay nakatuon sa baril na hawak niya. “Grabe! Kung hindi kutsilyo, baril naman ang hawak mo. Itabi mo nga ‘yan, Philip!” saway ni Jasper na hindi pinakinggan ni Philip. Nasa sala sila, nagpapalipas ng oras at may kanya-kanyang pinag-aabalahan. Habang si Aeron at Roze ay nasa hardin, muli silang nagsama. Wala sila sa MU dahil ang natitirang araw ay nilaan para sa pagpapahinga nila dahil malapit na silang umalis para sa misyon na kailangan nilang gampanan. “What happened?” tanong ni Simon. “Nalaman k

