CHAPTER 81

2067 Words

Viner (Mansion) Matapos magpahinga sa kani-kanilang kwarto ay bumaba na sila para maghapunan. Si Demone at Visca na ang nagluto para sa kanilang lahat. Kasalukuyan na silang kumakain sa hapag-kainan nang mapag-usapan ang nangyari sa laro kanina. “Okay ka na ba talaga, Anna?” tanong ni Jasper. “Sayang, hindi man lang kami nakaganti ni Philip sa lalaking ‘yon!” dagdag niya nang tumango lang si Anna sa kanya. “Kasalanan ko rin naman,” at napabuntong-hininga siya. “Makukuha ko na sana ang flag niya nang maramdaman ko na lang ang kamao niya na tumama sa tiyan ko. Hindi ko akalain na sasaktan niya talaga ako,” paliwanag naman ni Anna sa nangyari kanina. “Sino nga ‘yon? Si Kinsley?” tanong ni Simon na tinanguan na lang ulit ni Anna. “Gago talaga ‘yon, eh. Tinotohanan talaga ang pananakit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD