Kinabukasan. Lahat ng mga estudyante ay nasa auditorium na ng Mafia University para sa seremonya na pinakahihintay nila. Matapos magsalita ni Zurikka ay tinawag niya na ang mga guro at mga Mafia boss na siyang bumubuo sa Mafia University. Hindi rin nagtagal ay umakyat na sa stage si Mrs. Hatia at Amira para sila ay magbibigay ng medalya sa mga nanalo at sertipiko para sa lahat ng mga naging present at saka ang mga nakakuha ng puntos kahit na hindi nanalo ay makakatanggap pa rin. Ang sertipiko na ibibigay sa kanila ay kumakatawan na nakapag-graduate na sila sa Mafia University. Nasa itaas naman nanonood sila Mortem, Kane, Wilder, Ryker, at Daem. Ang mga asawa lang nila ay nasa stage. Samantala, ang mga estudyante ay nasa baba. Naka-pwesto sa kanilang designated seats. Nasa unahan sila

