CHAPTER 6

2471 Words
“Pansin ko lang, masyado silang busy nakaraan pa. Para silang nagmamadali,” wala sa sariling nasambit ni Anna habang siya ay nagluluto. Si Visca ay hinahanda naman ang hapagkainan. Binuksan niya ang cabinet kung saan nakalagay ang mga pinggan at baso, sunod ang drawer para kunin ang kubyertos. “Hayaan mo na. We can’t meddle to their business,” ani Visca habang inaayos na ang kutsara’t tinidor sa tabi ng mga pinggan. “We are part of it now, right? Kasama na tayo sa misyon nila, hindi ba dapat alam natin ang totoong nangyayari sa Isla?” at bahagyang sumulyap kay Visca. “Baka nasa labas ang problema,” tugon ni Visca. Napatango na lamang si Anna at pinatay na ang gas stove saka pinihit pasara ang gasul. Malalaman at malalaman niya rin kaya hinayaan niya na lamang na manatili ang iba pa niyang katanungan sa kanyang isipan. “Good morning!” masiglang bati naman ni Jasper na handa nang kumain ng almusal. Kumpleto na sila. Napailing na lamang si Visca nang mapansin ang ibang kasama na mukhang inaantok pa. Paniguradong ginambala sila ng ingay ni Jasper kaya hindi naging maganda ang gising ng mga ito. Isa-isa na silang umupo sa kanilang mga pwesto. Tahimik lamang silang kumakain nang binulabog sila ng isang tinig, napatingin ang lahat sa gawi ni Snow, Roze, Yumi, at Gabriel na kakapasok lang. Nandito ang anak ng mga Mafia Boss. “Hi, everyone!” bati ni Snow. Napairap na lamang si Roze dahil ayaw niya talagang pumunta rito, pinilit lamang siya ni Snow na nagyaya sa kanila. Si Yumi ay kumaway naman sa kanila at masaya siyang sumama habang si Gabriel ay napilitan lang din dahil kay Snow na hindi niya magawang tanggihan. At dahil may bakante pang upuan ay napaupo na sila ro’n. Mahaba ang lamesa kaya nagkasya ang labing-dalawa. “Luh, anong ginagawa n’yo rito?” gulat na tanong ni Jasper. “Gusto nila tayong makasama na mag-training,” mahinang sambit ni Iza habang nakatungo sa pagkain na ang nakarinig lamang ay si Demone. “Pinayagan kami rito na mag-ensayo,” nakangiting sagot ni Yumi. “Hindi naman siguro masama kasi makakasama rin namin kayo sa misyon!” and she giggled like an excited kid. “Yeah,” ani Simon na tipid na ngumiti kay Yumi dahil nakatingin ito sa kanya. “Kumain na ba kayo?” tumayo naman si Demone gano’n din si Visca na handa na silang bigyan ng pinggan at kubyertos. “Tapos na,” ang sumagot ay si Gabriel. “Sa training ground na lang kami maghihintay. Come on, Snow,” at hinawakan niya na ang braso ni Snow para patayuin ito. “Eh? Gusto ko pa silang makausap!” angal ni Snow. “You are ruining their appetite,” anito. Napanguso na lamang si Snow at sumunod na kay Gabriel. Habang si Yumi ay maayos na nagpaalam sa kanila bago sumunod kanila Snow. “What about you, Roze?” ani Demone. “I’m here to talk to my sister,” aniya habang nakatingin kay Iza. “Patapusin mo muna kaming kumain, makakapaghintay ‘yan mamaya,” ang sumagot naman ay si Aeron. Tumango na lamang si Roze at lumabas na sa dining room. Napabuntong-hininga naman sila, iba talaga ang pakiramdam nila kay Roze. “Are you okay, Iza?” nag-aalalang tanong naman ni Philip dahil napansin niya ito na kanina pa hindi komportable. Napatango na lamang si Iza, hindi makapagsalita. Kumakain lamang siya at halata sa kamay nito ang panginginig. “Takot ka pa rin kay Roze, Iza? Hindi ba’t mas malakas ka pa nga ro’n?” ani Jasper. Napapikit na lamang si Iza at napahinga nang malalim, tila nagtitimpi sa kanyang nararamdaman dahil baka kung ano pa ang masabi niya kay Jasper. Hindi nila alam ang katotohanan kung bakit gano’n na lamang ang pakikitungo ni Roze kay Iza. Wala silang kaalam-alam at ayaw rin namang sabihin ni Iza dahil ang problema na ‘yon ay para lang sa kanilang dalawa ni Roze. “Shut up and eat, Jasper,” saway sa kanya ni Demone matapos bumalik sa kanyang upuan. “Iyan kasing bibig mo napaka-ingay,” asik pa ni Visca. Naitikom na lamang ni Jasper ang bibig niya at nagpatuloy sa pag-kain. “Hindi porket anak sila ng Mafia boss ay mukha na kayong mga hindi makabasag pinggan. Don’t let them use you. We still have the right to defend ourselves if they can’t respect us,” paalala ni Demone na ang tunay na pinapatamaan niya ay si Iza. “Yes!” muling nabuhay ang loob ni Anna na kanina ay isa rin sa natahimik. “At saka, mabait si Queen Amira!” “Let’s just do our best,” sabi pa ni Simon na sinang-ayunan din ng lahat. Pagkatapos kumain ay nag-presinta si Anna na siya na lang ang maghuhugas ng pinggan, hindi naman siya iniwan ni Philip. Matapos nitong punasan ang lamesa ay umupo ulit siya upang pagmasdan naman si Anna, pinanood niya lang ‘to nang magsalita bigla si Anna. “Okay na ako rito, Philip. Sundan mo na sila,” malumanay na sabi niya. “Nah, I want to be here.” “S-seryoso ka?” Bahagya namang natawa si Philip. “Yes, Anna.” Napatango na lamang si Anna, hindi na siya nagsalita dahil pakiramdam niya ay lalo lang siyang mauutal kay Philip. Mayamaya pa ay nagtungo na sila sa training ground mula sa basement. Halos lahat ay may kanya-kanya nang pinagkakaabalahan, by partner pa ang pag-eensayo. Si Visca at Demone ay kasalukuyang nagpapalitan ng suntok na mabilis nilang naiilagan. Si Jasper at Simon naman ay nagtatagisan ng galing sa pag-workout. Si Aeron, Gabriel, Snow, at Yumi naman ay sa kabilang parte ng room kung saan nakikipagbarilan sa mga robot, ang gamit nilang bala ay isa lamang laruan kaya kahit matamaan sila ay hindi naman sila maapektuhan. Habang si Anna at Philip na huling dumating ay nagtungo sa huling kwarto ng basement kung saan p’wede nilang hasain ang kanilang kakayahan sa teknolohiya na magagamit nila sa misyon. “Aish!” singhal ni Roze nang mapabagsak siya ni Iza sa sahig gamit ang paa. “Can we talk now? Gusto mo talaga akong pahiyain, noh!” “Mag-aaway lang tayo,” saad ni Iza at inilahad niya na ang kamay kay Roze upang tulungan itong makatayo. “I don’t need your help,” at hinawi niya ang kamay ni Iza. Tumayo na siya at matalim na tinignan si Iza. “Sumunod ka kung ayaw mong makarating ‘to kay Mommy,” utos niya at bumaba na sa boxing ring. Napabuntong-hininga na lamang si Iza at napababa na rin sa boxing ring. “Bakit?” ani Visca na tuluyang lumapit kay Iza. Si Demone naman ay tahimik lang na nakamasid sa paligid habang nagpapahinga.   “Mag-uusap lang kami,” tugon nito. “Okay, balik ka agad.” Tumango na lang si Iza at lumabas na para sundan si Roze. Natigilan naman si Simon sa pag-ensayo nang sundan niya ng tingin ang likuran ni Iza. “Hindi mo man lang ba susundan, Demone?” tanong niya at ibinaling ang tingin kay Demone na nasa loob na ng boxing ring para muling makalaban si Visca. “Hay nako! Kaya nga bumalik dito si Iza para makalayo, eh pero itong si Roze ang epal,” sabad ni Jasper. “Iza knows what to do,” iyon lamang ang sinabi ni Demone at mabilis na sinangga ang braso niya mula sa pagsipa ni Visca. Napahinto na lang sa paglalakad si Iza nang makarating na sila sa hardin. Hindi siya gaanong lumapit kay Roze, isang hakbang pa ang layo nila sa isa’t isa. Binalot sila ng katahimikan, ilang minuto pa ang lumipas sa pagitan nilang dalawa. Ni-isa sa kanila ay wala pang nagsasalita. “Roze,” pagsuko ni Iza. Siya na ang nauna. Nanatili namang nakatalikod si Roze. “Hindi ko na papatagalin. Kahit na ayoko, gusto na ni Mommy and Daddy na bumalik ka na sa mansyon.” “I’m sorry,” tanging nasabi ni Iza. “P’wede ba? Hindi mo na kailangan maging mabait sa harapan ko, Iza. Ampon ka lang, ‘di ba? Then, be like that!” kahit na mas matanda si Iza at kilala ito bilang Ate niya ay hindi niya ‘to magawang respetuhin sa kadahilanang nakukuha ni Iza ang atensyon ng lahat. “Ang galing mong magpanggap na kailanman hindi uubra sa akin!” “Ano pa bang gusto mo?” tuluyan nang hindi nakapagtimpi si Iza. “Hindi ko naman inaagaw magulang mo! At higit sa lahat, hindi ko kasalanan na inampon nila ako!” Napaharap na si Roze sa kanya. “Gusto ko? I want you dead!” walang prenong sabi ni Roze. Tila nanigas si Iza sa kanyang kinatatayuan. “A-anong sabi mo?” hindi siya makapaniwala. “Kailan ka pa natutong magsabi niyan, Roze? Mas matanda ako sa’yo at kahit ano pang gawin mo, kilala ako ng lahat bilang kapatid mo! Magdusa ka hangga’t sa gusto mo, wala na akong pakialam sa iisipin mo.” “Lumabas din ang totoo mong ugali,” ani Roze at napangisi. “Sadyang napagod lang ako…” at naikuyom niya ang kamay. “Tinuturing kitang kapatid kahit hindi naman talaga tayo magkadugo pero ang tingin mo sa akin kaaway. Kanino ka ba nagmana? Dahil sa pinapakita mo, ikaw ang mas ampon sa atin.” Nanlaki ang mga mata ni Roze, hindi niya inaasahan ang lumabas sa bibig ni Iza. “b***h—” akmang sasampalin niya na sana si Iza nang matigilan na lang siya dahil nakita niya na si Ryker sa likuran ni Iza. “Dad…” gulat na gulat niyang sabi. Ang sampu na natira kanina sa basement ay nagsilabasan na rin dahil napansin nilang hindi pa nakakabalik ang dalawa. Naisipan ni Jasper na hanapin na sila kaya napunta silang lahat sa hardin. Kanina pa sila nanonood sa eksena ni Roze at Iza nang biglang dumating si Ryker, napatungo rin sila. Napalingon naman agad si Iza at mabilis na napatungo upang makapagbigay-galang. “I’m so disappointed, Roze,” lumapit na si Ryker sa kanyang anak. Hindi naman makapagsalita si Roze, ang mga mata niya ay tila maluluha na. “Pinayagan ka naming pumunta rito para pag-uwi mo ay kasama mo na si Iza pero ito pa ang bubungad sa akin, ha?” “Dad—” Hinawakan naman ni Ryker ang magkabilang-balikat ni Roze. “Apologize to Iza, or else you’ll stay here for tonight.” “Dad, okay na. Hindi na kailangan, okay lang ako,” pagsingit ni Iza. Ayaw niya ng palalain ang nangyari.   “No, Iza. Hindi matututo ang kapatid mo,” at binitawan na ni Ryker ang kanyang anak at tumalikod sa kanila. Tuluyan nang napaluha si Roze, hiyang-hiya na naman siya. Tumigil naman si Ryker sa harap nila Demone na hanggang ngayon ay nakatungo pa rin. “Kung hindi kayo magkakasundong lahat, mamamatay kayo sa gitna ng laban. Tandaan n’yo ‘yan,” makabuluhang sabi ni Ryker at iniwan na sila. Naghintay na lamang si Ryker sa loob ng sasakyan, hindi niya akalain na maririnig mismo ‘yon sa kanyang anak. Kailangan niyang makausap si Fairoze tungkol kay Roze. “I…I will never say sorry to you!” sigaw niya kay Iza at tuluyan nang tumakbo papasok sa loob upang magtungo sa itaas. Dahil sa nangyari, hindi uuwi si Roze. Napabuntong-hininga na lamang si Iza, kaagad naman siyang nilapitan ni Anna upang yakapin ‘to. Dahil sa nangyari ay tuluyang nanlambot ang tuhod nito kaya napaluhod na si Iza, nanatili naman si Anna sa tabi niya. “What a f*****g scene,” hindi makapaniwalang sabi ni Jasper. “Dito talaga matutulog si Roze?” tanong naman ni Yumi, nag-aalala kay Roze. “Don’t mind them, Yumi,” ani Gabriel at hinawakan na ang kamay ni Yumi at Snow. “Let’s go home, wala na tayong gagawin dito.” “Okay…” ani Yumi at nagpaalam na sa lahat. Si Snow naman ay natahimik, sumunod na lamang siya kay Gabriel. Hinatid naman ni Simon ang tatlo palabas ng bahay. Habang si Aeron ay umakyat na para sundan si Roze. Si Jasper ay napailing na lang at bumalik na sa loob. Nagkatinginan naman si Demone at Philip, sinundan ni Philip ang tingin ni Demone. Nang mapagtanto niya ang ibig sabihin nito ay nilapitan na ni Philip si Anna at sabay na silang pumasok sa loob. Pagkatapos, tuluyan nang lumapit si Demone kay Iza, inalalayan niya ‘tong makatayo. “Go home, naghihintay na ang Ama mo sa labas. Ako ng bahala kay Roze.” “S-salamat, Demone…” “You’re welcome,” aniya at hinatid na sa labas si Iza. Napatikhim na lamang si Aeron nang lumapit na siya kay Roze upang kunin ang atensyon nito. Kung hindi pa siya tumabi kay Roze ay hindi siya mapapansin nito. Nang mahanap niya si Roze sa rooftop ay hindi siya agad lumapit, nagawa niya muna ‘tong pagmasdan sa malayo na madalas niya ring gawin sa MU. “Why are you here? I don’t need you.” “Being a bad girl is pretty hard, Roze.” “What the hell do you want?” singhal sa kanya ni Roze. “Kapag sinabi kong ikaw, may magagawa ka ba?” Napakunot na lamang ang noo ni Roze, hindi malaman kung anong sasabihin. Nagkatitigan sila ng ilang segundo at napaiwas agad si Aeron. Once again, he cleared his throat. “I’m here to listen, Roze. Go ahead.” Sa hindi malamang dahilan, nagawang mag-open up ni Roze kay Aeron. Sa mga oras na ‘yon, nagawang kaibiganin ni Roze si Aeron. Pagsakay ni Iza sa sasakyan ay nagsimula nang magmaneho si Ryker pauwi sa mansyon. “I’m sorry about Roze,” nagsalita na si Ryker. “Hindi ko alam kung anong nangyayari sa kapatid mo, Iza. Pasensya na at naiipit ka sa pamilya namin.” “Ayos lang po, hindi n’yo naman ako totoong anak. Normal lang siguro na maging gano’n si Roze sa akin.” “Kahit hindi ka namin kadugo, mahal ka namin Iza. Huwag mo sanang kalimutan ‘yon. You will always be part of the family and the Gang.” “S-salamat, Dad…” Tuluyan nang napasulyap si Ryker kay Iza. “Hayaan mo, kakausapin namin siya ni Fai.” Napatango na lamang si Iza at ibinaling na ang tingin sa bintana. “What a f*****g life…” 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD