Matapos ibalik sa supot ang mga ginamit ay nagpaalam na ang binata na lalabas na muna. Tango ang isinagot ng dalaga. Hindi malaman ni intoy kung paano siya nakatulog sa kabila ng mabilis na pagpintig ng kanyang dibdib. Sa totoo lang saglit lang ang halok na ginawa ni Intoy saglit pero madiin. Dadampian lamang sana niya kaso puwersado ang pagbangon niya kaya napadiin. Nang makita niyang hindi nagalit ang dalaga at walang masakit na palad ang dumapo sa pisnge niya ny nabunutan ng tinik si Intoy. Bagamat ang dalaga ang nanukso at nagbiro ay dapat pa ring pinigilan ni Intoy ang sarili. bagamat mukhang okay lang sa babae ang lahat . hindi na alam ni intoy kung paamo kikilos sa harap nito ng hindi naaalala ang halik na iyon. Nang mga sumunod na araw ay naging abala si Intoy pero hindi nito nak

