Nakaramdam ng habag ang binata para sa dalaga. Hindi niya malaman pero naroon sa puso niya ang kagustuhan malaman ang lahat ukol dito. Nais niyang alamin kung nasa panganib ang buhay nito. At ano ito ano itong nakakapa niya sa isang sulok na bahagi ng puso niya. May pagnanais na alagaan ang dalaga. "Sira ulo ka Intoy, lupet mo din noh? sa tingin mo hihingiin ng dalagang yun ang tulong mo? Eh sino ka naman ano naman magagawa mo? anu aalukin mo ng isda?" kantiyaw ni Intoy sa sarili. "Sa hitsura nun mukhang mayaman eh baka nga hinahanap na yun at kapag nagbalik ang alaala nun bye ka na lang tsong" sulsol ng isang bahagi ng isip ni Intoy. Nalungkot ang puso ng binata sa isiping iyon palaging sumasagi ang mga ganung tanong sa isip niya matapos nga na maka alala ang dalaga ay mawawala na ito

