"Nandito na ako mahal kaya wag ka ng umiyak. Hindi kita iiwan hinding hindi kahit anong mangyari Yvonne. Mahal na mahal kita tandaan mo yan" Sabi ni Intoy nangingibabaw ang pagmamahal sa dalaga at nadagdagan pa iyon ng awa sa naging bugay nito. Hinalikan ni Intoy si Yvonne sa labi ngunit saglit lang at kinabig na niya ito at niyakap ng mahigpit. "Matulog na tayo mahal ko, "I love you " bulong ni Yvonne sa lalaki. "Pinakamamahal kita Yvonne. Salamat at di mo ako sinukuan" sagot din ng pabulong ni Intoy at hinalikan ang dalaga sa ulo at pagkatapos niyon ay sumiksik pang lalo ang dalaga sa kilikili ni Intoy. Napapikit ang binata at napausal ng dasal, Ito ang eksenang miss na miss na niya. Para kasing kulang na siya kapag wala sa bisig niya ang dalaga. Di nagtagal ay kapawa na ginupo ng anto

