Mabilis na naglakad si Intyo sa kadiliman . Napakunot ang noo ng binata na parang may mga kaloskos siyangh naririnog sa mga madidilim na bahagi ng kanalng lugar. Sa pagkakatanda niya ay parang nangyari na ito noong isang gabi na hating gabi na rin siya uwi. Kapag nailawan na ng motor niya ang bahaging kadiliman na iyon ay parang may biglang nagkalalasang mga anino. Kumunot ang noo ng binata pero ng maalalang mas mahalaga ang kalagayan ng dalaga. Walang ibang maaaring puntahan si Intoy ng ganoong oras kundi ang bahay ng kapitan. Mga ilang beses din na nagtawag si Intoy at sa tulong ng mga nagtatahulang mga aso nito ay nagising ang kapitan ng kanilang lugar. "Magandang gabi po kapitan" bati ni Intoy sa pupungas pungas pang matanda. "Aba Intoy, madaling araw na ano bang atin may nangyari

