Bagamat gusto niyang malaman ang sanhi ng kalungkutan nito ay hindi naman niya mapilit. Marahil pag humupa na ang pakiramdam ng dalaga ay mag sasabi naman ito. Lumabas saglit si Intoy at ipinaghain ang dalaga, Nag timpla na rin siya ng kape ugali nilang magkatipan ang magkape sa hapunan. Dinala ng binata ang inihaing pagkain sa silid at inilapag muna pansamantala sa side table. "Kapag nagutom ka mahal nandito na ang pagkain mo para di ka na lumabas pa. Ipinagtimpla na din kita ng kape alam ko kapag naamoy mo yan mahihimasmasan ka" "Mahal, nandito lang ako Mahal ha, nandito lang ako sa tabi mo babantayan kita, wag ka magalala tahan na mahal, kung may kasalanan ako sorry na hah" pagsuyo ni Intoy sa dalaga at hinimaas himas ito sa buhok saka dinampian ng halik at nanatiling yakap si Yvonne

