Kinaumagahan, Nagising si Intoy sa pakiramdam na parang may nakadagan sa braso niya. Pagdilat ng mata niya ay nakita niya ang kanyang Prinsesa. Nakasiksik ito sa kilikili niya at nakayapos ang kamay sa kanyang katawan. Bagamat nakainom ay natatandaan niya ang pangalawang halik na namagitan sa kanila ng dalaga at natural hinding hindi niya makakalimutan na gf na niya ang dalaga mula ngayon. Hinaplos ng binata ang pisngi nito at inipit sa tenga ang buhok na nakasaboy sa maganda nitong mukha.Himbing ang tulog ng mahal niya hindi man lang kase ito nagising sa ginawa niya. Nagtagal pa ng ilang minuto si Intoy sa pagtitig sa mukha ng babaeng iniibig bago ito tuluyang bumangon. Kahit mabigat sa kalooban ang iwan ito sa ganung sitwasyun ay kailangan niyang maghanap buhay. Dahan dahang inalis ng

