Chapter 1

1288 Words
Punong puno ng apoy at usok... tanging mga ingay lamang ng busina ng mga sasakyan, ng sirena ng ambulansiya at mga sigawan ng taong nakapalibot ang tila naririnig ko. "Patayin niyo na iyong apoy!" "Nakakaawa naman ang mga naka sakay sa kotse!" "Buhay pa ba?" "Naku! paniguradong patay na!" "Kaawa awa naman ang sinapit ng mag asawa na 'yan!" Biglang lumiyab ng malakas ang apoy na sumusunog sa kotse na iyon kaya't nataranta lalo at nag sigawan ang mga tao. "Sandali! iyong bata! ilayo niyo iyong bata!" Napalingon ako sa batang tinutukoy nila. Siya na naman, siya na namang muli. Iyong batang nasa gilid ng nasusunog na kotse. Nakaupo ito, nakayuko at nakapatong ang braso at ulo sa mga tuhod niya. Panay lamang ito ang iyak at hagulgol na hindi alintana ang nangyayari sa paligid niya. Lalapitan ko sana ito upang makita ko ang mukha niya, dahil palagi ko na lamang siyang nakikita pero hindi ang itsura niya. Ngunit nang makalapit ako, ay bigla na naman itong nag laho. Bigla akong nagising at napaupo ng tumunog ang alarm clock ko. Nanaginip na naman ako, napanaginipan ko na naman iyon. Palagi ko na lamang napapanaginipan ang isang kotseng nasusunog habang may batang umiiyak sa gilid nito. Hindi ko alam kung ano iyon, hindi kaya parte iyon ng alaala ko? Base sa kwento ng mga kinalakihan kong magulang ay hindi ako nag sasalita at hindi umiimik man lang noong inampon nila ako sa bahay ampunan. Noong inuwi nila ako ay hindi raw ako makausap, hindi ako nakikinig at para raw wala akong naiintindihan sa paligid ko. May mga pagkakataon pa nga na bigla na lamang raw akong iiyak at sisigaw habang takot na takot. Wala naman daw silang makuhang impormasyon at sagot sa mga tanong nila sa bahay ampunan dahil namatay na ang madre na nakakuha at siyang nag dala sa akin doon. Kaya't walang may alam sa totoong nangyari sa akin, sa mga pangalan ng magulang ko at kung sino ba talaga ako. Habang lumalaki at nag da-dalaga na ako ay unti unti ko ng naramdaman ang hirap ng pagiging isang ampon. Napaka-hirap mabuhay ng walang alam sa nakaraan, kahit na may kinalakihan akong mga magulang ay tila parang may kulang pa rin sa akin, tila may kulang pa rin sa pagkatao ko. Ang tanging alam ko lang ay patay na ang mga totoong magulang ko. Iyon lamang daw ang impormasyon na nasabi ng madre na nakakuha sa akin bago ito mawala. Ngunit napakarami ko pa rin na tanong. Wala ba akong mga kapatid? wala ba akong ibang kamag anak? wala na bang ibang makakapag sabi sa akin kung sino ba talaga ako? O wala man lamang ba na makakapag pakita sa akin kahit na litrato lamang ng namayapang magulang ko? Ano kaya ang itsura nila? kamukha ko kaya ang aking Ina? o di kaya ay ang aking Ama? Napabalik ako sa ulirat ng kumatok si Mama sa pintuan ng kuwarto ko. "Azra, bumaba ka na at nakahain na ang almusal." "Sige po, Ma. Susunod na po." Sambit ko at tumayo na mula sa pagka-kahiga ko. Ayoko na talagang mapanaginipan ang bagay na iyon. Nagugulo lamang ang isip ko at baka mamaya ay bumalik na naman ang dating kalagayan ko. "Good morning po." Sambit ko ng makababa ako at makaupo sa hapag kainan kung nasaan nandoon sina Mama at Papa. "Kailangan ka pa ba na akyatin ng Mama mo para lang tawagin? alam mo naman ang oras ng almusal natin." Sambit ni Papa. Sanay na ako sa pagiging strikto niya, bata pa lamang ako. "Hindi ikaw ang aantayin ng pagkain, huwag mong pinag aantay ang biyaya." "Sorry po, Pa." Sambit ko. "Tama na nga 'yan, ang aga aga." Kontra naman ni Mama kay Papa. As usual ay siya naman ang palaging nagta-tanggol sa akin. "Anong oras ang training mo ngayon?" Pag iiba ni Papa ng usapan. Ang training ko sa taekwondo ang tinutukoy niya, isa din 'yon. Tutol din si Mama doon pero wala na kaming nagawa dahil iyon ang gusto ni Papa. Eight years old pa lamang ako ay ipinasok niya na ako sa school ng taekwondo. Kasabay iyon ng mga therapy ko sa pyschiatrist. Ayoko rin na mag aral ng ganoon pero noong lumalaki na ako ay na-enjoy ko na rin iyon. Ganoon rin ang pag aaral ko na gumamit ng baril. Bata pa lamang ako ay sinanay na ako ni Papa sa mga ganoong bagay. Iyong tipong mas pamilyar na humawak ako ng mga armas kaysa sa laruan. "8:30 am po." "Ihahatid kita at sasamahan sa training mo." "Wag na po, kaya ko na po, Papa." "Hindi iyon ang intensyon ko, Azra. Gusto kong makita kung paano ka makipag laban, kung paano ka gumalaw. Baka mamaya ay ni hindi mo ako matalo kapag nag laban tayo na dalawa." Hindi na ako sumagot pa. Noon pa lamang ay wala naman na siyang tiwala sa akin. Kahit na black belter ako ay hindi pa rin niya ako nakikitang magaling, lagi akong walang kwenta sa paningn niya. Kahit sa pag hawak ko ng baril at kahit ilang target pa ang tamaan ko ay mananatili akong mahina at talunan para sa kaniya. Sa bagay, sino ba naman ako? ampon lamang ako at hinding hindi ko mapapantayan ang anak nila na namayapa na. Naunang tumayo si Papa matapos kaming kumain. Kaagad naman itong nag tungo sa labas. As usual ay maninigarilyo na naman ito katulad ng lagi niyang ginagawa. "Ako na diyan at mag asikaso ka na ng sarili mo, may training ka pa at pasok sa paaralan." Sambit ni Mama ng makita na nililigpit ko ang mga pinag kainan namin sa mesa. "Salamat po, Ma." Sambit ko at yumakap mula sa likuran niya. Itong pag papasalamat ko na ito ay hindi lang para sa ginawa ni Mama para sa akin ngayon. Kundi sa lahat ng ginawa niya sa akin mula noong bata pa ako. Siya ang nag tatanggol sa akin kapag sobrang galit na ni Papa at nasasaktan na ako nito ng pisikal. Si Mama rin ang pilit na nag paaral sa akin sa paaralan kahit tutol na tutol doon si Papa. Ang gusto kasi ni Papa ay mag focus ako sa pagta-taekwondo at pag gamit ng baril. Pero kahit na ganoon ay mahal na mahal ko pa rin ang Papa ko. Sa kabila ng mga masasakit na salita o masasakit na palo niya at mga suntok sa akin ay hindi pa rin maiaalis ang katotohanan na siya ang Papa ko. Kasama pa rin siya ni Mama na nag taguyod sa akin, siya pa rin ang nagta-trabaho sa pamilya para may pagkain na maihain sa mesa namin. Kaya marapat lang na lagi akong umintindi, marapat na lahat ay lagi ko na intindihin. Kaya, iniisip ko na lamang na baka kaya mainitin ang ulo nito at laging galit sa akin ay dahil nagkaroon ito ng depresyon mula noong nawala ang kanilang anak. Si Mama na mismo ang nag sabi na hindi naman ganoon si Papa noon, mabait daw ito at napaka masiyahin, ngunit matapos ang trahedya ay nag bago ito ng lubusan. Hindi ko alam, walang nakakaalam kung ano ba ang nilalabanan ni Papa sa utak at sarili niya gawa ng trauma na iniwan ng trahedya na iyon. Anak ang nawala sa kaniya at alam kong iyon ang pinaka masakit sa lahat. Tanggap ko si Papa, dahil tinanggap niya ako kahit hindi niya alam kung sino ba talaga ako o kung anong klaseng bata ako noong inampon nila ako. Pinalaki nila ako, binihisan, pinakain at itinaguyod kahit hindi nila ako kadugo. At iyon ang pinaka sapat na dahilan para habang buhay ko silang sundin o pag silbihan. Hindi man ako sa kanila nanggaling, pero utang ko ang buhay ko sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD