Mistress
"Artiara mag leave ka muna ngayong araw." Sabi ni Mommy pag labas ko ng kwarto, naka uniform nako para pag pasok sa Ospital, kaya napa busangot ako.
"Why?" Naka busangot na sabi ko.
"We have a dinner with Pengson's." sabi n'ya.
I gulped. Damn!
Isang linggo na ang nakalipas simula nung nanligaw sakin si Damon, at ngayon ko lang naalala na sumang ayon nga pala ako sa pag papakasal kay Red. "Mom..." tawag ko.
"Yes?" Taas isang kilay na tanong n'ya.
" I realize na masyado pang m-maaga para mag pakasal..." alanganing sabi ko.
"You can't say no, you already agree with this." Matigas na sabi n'ya.
Tumango ako, na senyales ng pag suko. "Mag bibihis lang ako." Sabi ko, saka muling pumasok sa kwarto ko.
Napa buntong hininga ako ng maupo ako sa kama ko saka ginulo 'yung buhok ko. "f**k!!! Bakit ba kasi pumayag ako?!!!" Inis na sigaw ko sa sarili.
Sinabunutan ko ang sarili ko, napa hinto ako sa pag sabunot sa sarili ng mag ring ang cellphone ko.
Damon's Calling
Umirap ako saka sinagot ang tawag, [hey... nandito ako sa Hospital, where are you?] tanong n'ya.
"Bat nandyan ka?"
[i have something for you, nag dala ako ng Breakfast para sayo. Nasaan kana?]
"Hindi ako papasok." Sabi ko.
[w-what?]
"Ang sabi ko-- hindi ako papasok! Aalis kami ni Mommy."
[saan kayo pupunta?] tanong nya ulit.
Tangina daming tanong.
"I don't know, " i Lied.
[i miss you]
"Yuck, clingy!" Pang aasar ko sakan'ya.
[sayo lang,] rinig ko naman ang sexy na pag halakhak n'ya.[ah baby, sige na nag lalakad nako papunta sa parking e. I'll call you later]
"Sige na, sige na." Sabi ko saka binaba ang tawag.
Nag bihis ako ng pambahay na damit saka bumaba sa Unang palapag ng bahay namin, isisindi ko na sana 'yung tv ng mag salita 'yung isang maid na naka assigned sa front door"Ma'am Tiara may deliver daw po kayo."
"Huh?" Takang tanong ko.
"May delive----
Hindi ko na sya pinatapos at nag lakad nako papunta sakan'ya pinag buksan n'yako ng front door. Nanlaki ang mata ko ng makita ko si Damon don. He's holding a plastic bag.
Agaran akong nag lakad papalapit sakan'ya at hinatak s'ya sa gilid ng bahay namin kung saan tago. "What the f**k? Bakit nandito ka?" Inis na sabi ko.
"I want to see you." Sabi n'ya,
"Baka makita ka ni Mommy!"
"Nakita nya naman na ako noon ah?" Inosenteng sabi n'ya.
"Look, Damon please, umalis kana bago pa tayo mahuli ni Mommy." Kalmadong sabi ko, habang palinga-linga sa paligid.
"I just wanted to see you, lemme st----
"Please Damon?" Pinutol ko ang sasabihin n'ya.
Bumuntong hininga s'ya at tumango iniabot n'ya din saakin 'yung plastic na hawak n'ya. "Okay." Bagsak balikat na sabi n'ya.
I cupped his Cheeks and Give him soft kiss. "Sige na." Sabi ko at patakbong pumasok ng bahay namin.
Pag bukas ko ng double door nagitla ako ng makita ko si mommy don." San ka galing?" Agap na tanong n'ya kaagad.
Napalunok-lunok ako at "sa labas lang kinuha 'to." Pinakita ko sakanya 'yung plastic Bag.
"Saan mo nakuha yan?" She asked again.
"Sa labas nga, Pina deliver ko." Saad ko at nilampasan na si mommy umakyat ako sa kwarto para doon nalang Kumain, may nakita akong yellow note don.
Hey Baby, please, kainin mo lahat ng Food, ako mismo nag luto n'yan, Laughing my ass out! Sana magustuhan mo yan kasi I'm first timer. That's for your breakfast and for lunch. Take care of your self, alright? Please Inform me time by time, kung ano mang ginagawa mo. I like you. <3
-Damon
Napa ngiti ako, ang ganda n'yang mag sulat, tiningnan ko may Taper wear don, at may Sapsuy, may Pakbet, may salad pa. Pero 'yung leafy Salad. He really care for my Diet!
Kinagabihan, tulad nga ng inaasahan ko, pinag bihis ako ni mommy ng red silky dress na hapit na hapit sa katawan ko. Hindi nako nag make up masyado, tanging red lipstick lang ang make up ko. At ang red silky dress ko ay pinarisan ng Red high heels.
Pag labas ko ng kwarto, bumaba na kagad ako sa salas nakita ko si mommy she's wearing a Black Dress n my dog tag pa at Black heels, well I can't deny it mukang kasing idaran ko lang si mommy.
"C'mon?" Tanong n'ya.
Ngumiti ako nag pilit, sumakay kami sa Limousine nyang kulay itim.
Habang nasa biyahe ay hindi ko s'ya iniimik,
Huminto ang sasakyan namin sa Kampo Pengson, restaurant nila.. "Smile Artiara," pag papaalala saakin ni Mommy bago kami pumasok sa Resto.
Natanaw ko na kaagad ang nakaka iritang kulay pulang buhok ni Red, pero napakunot ang noo ko ng may makita akong Babae don at si Khirine 'yon. What the f**k? Bakit nandito 'tong babae na 'to?!
Nag beso si Mommy at Tita Sintya, (mommy ni red) saka bumaling saakin si tita at "Omo! Hi Tiara! " naka ngiting sabi ni tita.
"Hi tita!" Bati ko.
"You look gorgeous." Pag sasabi n'ya ng totoo.
"You too tita," pambobola ko sakan'ya. Umupo ako sa tabi ni Mommy, si Tita Sintya at si red at si Khirine lang ang nandito, wala si Asul at tito Kahel.
"Oh... By the Way, Khirine This is Artiara Leigh Ramirez, Fiancé s'ya ni Red and That's her mother." Tinuro ni tita si Mommy, " Gem Emila Ramirez."
"Oh Yeah! i know her tita," naka ngiting sabi ni Khirine.
"Oh Really? Pano?" Tanong ni Tita sintya sakanya.
"Doon sa Birthday ng Pinsan ng Boyfriend ko." Na ako ang gusto.
"That's great! Uh Gem this is Khirine Watanabe, anak sya ng kaibigan ko sa Japan." Sabi ni tita Sintya, pero tinaasan lang ng kilay ni Mommy si Khirine.
Maya-maya pa ay kumain na kami ng Matiwasay hanggang sa mag open na naman ng topic si Tita sintya. "Sino nga ulit 'yung boyfriend mo Khirine?"
"He's Damon Jaylord del Viero," proud na sabi ni Khirine, pero tuloy padin ako sa pagkain. Proud kapa e isa kalang din naman sa laruan non. Gusto kong sabihin sakan'ya 'yan pero hindi ko sinabi kasi buo pa naman preno ng bibig ko.
"Bakit hindi mo s'ya inimbita?" Tanong ni Red, na ngayon ay naka tingin sakin at naka ngisi. s**t alam nga pala nyang may gusto ako kay Damon!
"He's busy kasi e! But next time I'll invite Him."
"Kilala mo ba 'yung del Viero na 'yon?" Biglang singit ni mommy. Oh no! Please no!
"Yes Tita." Sabi naman ni Khirine,
"Excuse me, Girl hindi kita pamangkin para tawagin mokong tita." Naka ngiting sabi ni Mommy habang nag pupunas ng Table napkin sa bibig.
"Mom!" Pag awat ko sakan'ya.
Napapahiyang yumuko si Khirine, "i just want you to know na itong anak ko ay nabuntis ng del Viero'ng pinag mamalaki mo." Matigas na sabi ni Mommy.
"Mom please, nakaka hiya." Pag awat ko sakan'ya,
"at boyfriend s'ya ng anak ko. Tsk.tsk. Mga mang aagaw nga naman." Sabi ni Mommy saka umirap, tumayo s'ya sa kinauupuan n'ya at nag walk out. Tumingin ako kay tita Sintya na ngayo ay naka uwang ang labi parang nag tataka kung anong nangyari kay Khirine naman na ngayon ay nanginginig ang kamay.
"Don't Worry girl... ikakasal na'ko kay Red, sayong - sayo na si Damon." Walang ganang sabi ko.
Tatalikod na sana ako ng muli ko s'yang harapin, "at nalaglag 'yung anak namin." Sabi ko at nag lakad nadin palayo sakanila.
Nakita ko si Mommy sa parking na umiiyak, bakit?
"Mom..."mahinang pag tatawag ko sakan'ya, ngayon ko nalang ulit sya nakitang umiyak.
"That Watanabe, She's the Daughter of your dad's Mistress." Umiiyak na tugon ni Mommy,
"M-Mom..."
"And S'ya ang Fiancée ni Blue Pengson." Napa tulala ako. "Hindi dapat si Red ang Fiancée mo... pero inagaw nung babaeng yan si Blue, kaya napunta sayo si Red."
Damn you girl! Kung naagaw mo si Blue at si Daddy, hinding-hindi mo maagaw si Damon saakin.
--
:)