SEE YOU AGAIN
"Daem, Wala kana bang gusto?" Tanong ko sa anak ko, habang nag lilibot kami sa toy store.
Ngumisi s'ya tsaka tinuro 'yung Avengers na laruan.
Kumunot ang noo ko. "Hey baby, meron kana n'yan sa bahay diba?" Takang tanong ko.
"But mommy, I want that." Sabi n'ya saka ngumuso.
"No." Sabi ko. "Halika na Mag bayad na tayo." Aya ko saka s'ya inakay papuntang counter.
Binitawan ko muna saglit si Daem saka kumuha ng Pera sa wallet ko. "Five thousand, Three Hundred, Seventy One, and twenty five Sentabos ma'am." Sabi ng Cashier girl saka ko inabot ang Six Thousand.
Pagka lagay ng babae sa paper bag bumaling ako kay Daem, pero ganon nalang ang gulat ko ng mawala s'ya.
"Daem anak?" Pag tatawag ko, inilibot ko ang paningin at wala talaga s'ya.
Bumaling ako sa cashier girl. "Miss may nakita ba kayong batang lalaki? Yung kasama ko kanina. Long hair malalim yung mata, matangos ilong tapos Mga edad Eight years old s'ya." Pag dedescribe ko habang kinakain na ng kaba.
"Ma'am wala po e."sabi nung babae.
Kaagad akong lumabas ng toy Store at nag simulang mag tanong-tanong pero wala daw naka kita. Nang gigilid na ang luha ko sa sobrang kaba.
Damn! Where are you Daem?!
Inireport ko na sa Guard House ang nangyari at ipinakita ko sakanila ng picture ni Daem na nasa Wallet ko.
Tuloy lang kami sa pag hahanap, napansin ko na din na sobrang dilim na sa labas.
Napa upo nalang ako sa bench sa sobrang pag aalala. Tumutulo na ang luha ko. s**t!! Nasan kana ba Daem?
"Mommy!" Napa angat ako ng tingin at para akong Nabuhayan ng makita ko ang anak ko sa harap ko.
Patakbo akong lumapit sakan'ya at saka s'ya niyakap ng mahigpit. "M-Mom?" Takang tanong n'ya.
"Akala ko nawala kana saakin." I cried.
"M-Mom... I'm sorry." Sabi n'ya.
Kumalas ako sa pagkaka yakap sakan'ya at hinawakan ang pisnge n'ya. "Where have you Been?" Umiiyak na sabi ko.
"I'm w-with Him." Sabi ni Daem saka lumingon sa likod n'ya, nag angat ako ng tingin.
My body started to Shake and my Heart beats Fast when i saw a familiar Face.
No....
"Artiara... long time no See." Panlalamig lang ang madadama mo sa Boses ni Damon.
"D-Daem," I Ignored Damon's gaze. "Anak tara umuwi na tayo." Sabi ko, hihilahin ko na sana palayo si Daem kay Damon ng Mag salita si Damon.
"Wala 'man lang bang Thankyou?" Rinig ko pang sabi n'ya.
Humugot ako ng malalim na Hininga saka, "Thankyou Mister." 'Yun lang ang nasabi ko, pero nag tama ang paningin namin.
Pilit kong iniwas ang tingin ko pero parang hinahatak ako ng mga abo n'yang mata.
"M-Mommy, tara na po." Aya ni Daem kaya dun ako nagka pagkakataon na mag iwas ng tingin at lingunin ang anak ko.
"Sige," sabi ko saka hinila si Daem palayo kay Damon.
Lumapit ako sa Guard doon sa exit at sinabi kong ayos na, na nakita ko na si Daem. Pag sakay namin sa sasakyan.
"Bakit mo kasama 'yon?" I asked habang nag sisimulang mag maneho.
"D-Dun po sa Toy Store, binalikan ko 'yung laruan." Halata sa boses ni Daem ang takot, kasi siguro nararamdaman n'yang anytime mapapagalitan ko s'ya.
"Alam mo ba kung pano ako nabaliw kahahanap sayo?" Inis na sabi ko.
"M-Mommy sorry na po." Sabi n'ya,
"Tsk. Next time pag mall tayo huwag kang lalayo saakin."
"Opo mommy, I'm Sorry."
Pag kadating namin sa bahay Kumain, kami ng sabay pero hindi namin kasama ang asawa ko.
Pagka tapos Kumain, pinatulog ko na s'ya sa kwarto n'ya.
"Manang, patingann naman po si Daem oh." Sabi ko ng maka labas sa kwarto ni Daem.
"Ha? saan kaba pupunta? Hindi mo na ba hihintayin 'yung asawa mo?" Tanong n'ya.
Bumuntong hininga ako saka umiling, "hindi na po manang tetext ko nalang po s'ya. Para alam n'ya kung nasan ako."
"Osha, mag iingat ka." Kumaway ako saka sumakay na ng Kotse ko.
Bago ako mag drive tinext ko si Yuna
To: Yuna Pokpok
Otw ako sayo sis, tangina paiyak ako.
Sent!
Habang nag didrive ako muling nagbabalik saakin ang imahe ni Damon he's Really Different simula nung huli ko s'yang nakita sa f*******: story ni Thea.
Nang makarating ako sa condo ng mga Pengson binati ako ng mga Crew don, pero hindi ko sila nakuhang ngitian dahil sa sobrang bigat ng nararamdaman ko.
Alam ko na pag nag kwento ako kay Yuna , mababawasan bigat ng nararamdaman ako.
Pag dating ko sa Elevator parang ayoko ng tumuloy ng maalala kong may Condo nga pala si Damon dito.
Pero tumuloy padin ako dahil hindi ko na kayang kimkimin 'to mag isa. Pag dating ko sa tapat ng Condo ni Yuna nag simula ng manginig ang kamay ko, para na akong sasabog.
Pag bukas n'ya ng pinto ng condo nya dinamba ko sya Ng yakap. "Y-Yuna..." usal ko kasunod ng pag patak ng luha ko.
"A-Artiara?" Takang tanong n'ya.
"H-He Saw Daem..."
"Huh?" Takang tanong n'ya,
"He Saw Daem, Yuna." I cried.
"Nino?! Sinong naka kita?" Tarantang tanong n'ya.
"D-D-Damon...." hirap na hirap na sabi ko. "H-He Saw Daem,"
"Sinong Damon?! As in Demonyo?" Takang tanong n'ya, kumalas sya sa pag kakayakap saka ako hinila papunta sa loob ng condo n'ya. Pinaupo n'yako sa Sofa at Saka inabutan ng Tubig, uminom naman ako sa tubig.
"Damon... he's the Father Of my Child." Humihikbing sabi ko.
"Damon ano?!" Tarantang tanong n'ya. "Teka--- hindi si Red ang tatay ni Daem?!" Takang tanong n'ya.
Umiling ako. "Damon del Viero."
"What the f**k?!" Mura n'ya."Paano?!"
"Nag simula lahat ng pag uwi ko sa Maynila." Sinimulan kong ikwento kung paano ko Itinago ang anak ng Casanova'ng del Viero.
---
:)