Namumutlang tumingin sa kanya si Json. Bumuka nag bibig nito pero wala ding salitang lumabas. Halatang-halata, nawindang ang talipandas. Bakit buking na ito sa gawain nito? "That's not true," tanggi nito na may kasamang ngiwi at iling. Natawa siya ng pagak kunwari sarkastiko. "You don't need to explain. Your private life is yours to keep. Tutal diyan ka naman magaling di ba? You have mastered keeping secrets." "Hala! Ito naman wag ka nang mahiya," painosenteng pang siniko ni Jia ang katabi. "E truli namang bonggang-bonggang tulong na ang naibibigay mo sa akin. Dinala mo ko sa Maynila, binigyan ng trabaho, binigyan mo pa ako ng libreng pabahay, kulang na lang lupa at jacket panalong panalo na. Ngayon sabihin mo, hindi ko ba iyon benepisyo ko dahil kaibigan kita?" Nanghihinang napasap

