Chapter 57 Nakatayo ako sa balkonahe ng mansyon ni Valerian habang nakatingin sa malayo. Pakiramdam 'ko ay malayong-malayo na ako sa kanila. Walang makikitang bahay o kahit anuman sa lugar na ito maliban sa mga nagtaasang puno at bundok. Located ang mansyon na ito sa gitna ng gubat kaya walang sinuman ang nagbalak na pumunta. Maraming guwardiya ang nasa labas at puro iyon bampira na tinatawag na Day Walker. Mga bampirang kayang maglakad kahit na may araw. Hindi 'ko alam kung paano pa ako makakapunta sa siyudad kung ganito ang katalahib ang tatahakin 'kong gubat. Basta ang natatandaan 'ko lang noon ay nagising ako sa isang gubat at inuwi dito ni Valerian na tulog. Hindi rin ako nag-abalang tanungin siya kung saan ba ito. Matapos 'kong makita ang eksenang iyon ni Fire at Yumi sa bundok

