Chapter 38 Eve's POV Wala akong sinayang na oras pagkabalik na pagkabalik ko sa mansyon ng mga Devonshire. Nagsanay kaagad ako sa likuran ng mansyon kahit malalim na ang gabi. Hanggang ngayon ay binabagabag pa rin ako ng mga salitang binitawan ni Shanna at lolo. Nagsimula na akong magtraining kahit ramdam ko na ang pagod. Ayokong maging pabigat sa kanila. Kailangan kong magpalakas. Gusto kong tumalon-talon at baka kaling mabawasan 'tong problema ko sa buhay. "Hindi ka man lang ba magpapahinga?" Nag-aalalang tono ng boses lalaki. Napatigil ako at napatingin sa lalaking nakatakip ang mukha. He's usual attire. Omg! Si Tuxedo Mask! Syempre, biro lang. "Ash? I-ikaw ba 'yan? B-bakit ngayon ka lang?" Nauutal kong tanong. "Maraming naging problema kaya ngayon lang ako nakabalik." Wika niya.

