Chapter 28 Bumangga ako sa dibdib niya kaya agad akong lumayo. Nakatingin kasi sa amin si Luhan babe esti ka-look a like pala niya. Ace? Oo, Ace ang pangalan niya, natatandaan ko na. "Bakit ka lumayo?" Bulong ni Honeybabe ko esti Honeybee. "Nakatingin sa atin si Ace. Baka pagkamalan niya tayong magkarelasyon," ngitngit ko habang kumakalas sa kamay niya. "Bakit? Hindi ba tayo magkarelasyon?" Malamig niyang sabi. Napaubo ako at napatingin sa kanya. Baliw ba siya? Paano kung mapahamak siya dahil sa relasyon namin? Nag-iisip ba 'to? "Sshh, gusto mo bang mapahamak tayo? Alam mo namang bawal ang makipagrelasyon ang keeper sa warriors." "Paano kung sabihin ko sa kanila? I want them to know about our relationship- about us." "You can't! Nag-iisip ka ba? Paparusahan ka nila kapag pinalaam m

