Chapter 18 Exhibition nga pero parang hindi naman ako belong. Nakatunganga lang ako habang pinapanoud ang mga estudyanting nasisiyahan sa mga paintings ko at paintings ng iba. "Eve? Tutunganga ka na lang ba diyan? Kung mag-entertain ka na lang kaya ng mga estudynate. Kanina pa nila hinahanap ang may ari ng painting na 'yon." Sabay turo ni Light sa painting ko na nasa sentro. "Nandoon naman sila Jury, Heather at Sync eh. Halata namang hindi na nila kailangan ang tulong ko," I said pouting. Nakakaimbyerna talaga ang pagmumukha ng Jury na 'yon. Ang sarap lang ingudngod sa sahig. Kung makangiti, abot hanggang langit, halata naman fake. Tsk! "Ayaw mo ba kay Jury?" Ngising sambit ni Light, sinamaan ko nga ng tingin. Alam naman niyang ayaw na ayaw ko sa babaing bambirang 'yon. "Ayaw ko tal

