Chapter 20 Iniwan ko siyang nakatayo doon. Bahala siya sa buhay niya, nakakainis siya! Parang wala lang sa kanya ang nangyayari noon. Ang manhid niya! Tumungo ako sa kinaroroonan nila Eshin at Shanna at nagpaalam. Wala na ako sa mood makipag-usap. "Babalik ka na sa school? Nasaan si Fire?" Tanong ni Eshin kaya natigilan ako sa paglalakad. "Malay ko, babalik na ako. Kayo kung gusto niyo pang magtagal dito," sambit ko habang nakatingin sa mga kotse nila Light. Kumaway si Storm at Thunder kaya kumaway na rin ako sa kanila. Okay lang kaya kung hiramin ko minsan ang kotse nila? Hahakbang na sana ako para puntahan sila nang maramdaman ko ang pagvibrate ng cellphone ko. Unknown calling... Sino naman kaya 'to? "Hello?" "Eve? Do you still remember me?" "Ash? Ikaw ba 'yan? Whoa! Paano mo

