Chapter 11 Kabadong-kabado ako habang nakayakap siya sa akin, hindi ko rin alam kung bakit. Ang tanong, bakit ako kinakabahan sa tuwing malapit kami sa isa't-isa o di kaya kapag hinawakan man lang niya ako? Idagdag mo pa 'tong puso ko na sobrang bilis kumabog. What's with this man? "May problema ba Fire? Hindi ba't ayaw mo 'kong makasama? Sinabi mong layuan kita, sinunod ko pero ano–" "Sshhh," at mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. "Fire naman!" Hinarap ko siya ngunit nagulat ako nang salubungin niya ako ng halik sa labi. He flashes a smile habang ako, tulala. My mind went black. I can feel the butterflies inside my stomach, is butterflies exist in stomach? What's the matter of being kissed by someone? Ngayon ko lang ulit 'to naramdaman. In love na naman ba ako? No!

