Chapter 60 Eve's POV Bago pa man magdikit ang labi naming dalawa ay umiwas na siya. Ang bilis ng pangyayari, ni hindi 'ko alam kung paano kami humantong sa gano'ng sitwasyon. "I'm sorry." Sincere niyang sabi. Nakahinga ako ng maluwag nang lumayo siya. Napalunok ako. Bakit hindi 'ko man lang siya nagawang itulak o pigilan? Gusto 'ko rin ba siyang mahalikan? Mahigpit 'kong pinagsiklop ang mga palad 'kong namamasa sa pawis. "Ahh, eh... okay lang. Ayos ka lang? Are you satisfied?" Tumango naman siya. Natataranta ako na ewan. Ang awkward ng sitwasyon. Nanlalamig ang kamay 'ko. Ugh! Torture na 'to! "Uhm, may kailangan ka pa ba? May gagawin pa kasi ako. Nga pala, salamat sa paggamot ng sugat 'ko." Matapos kasi niyang sipsipin ang sugat sa kamay 'ko ay bigla na lamang naghilom na para ban

