Chapter 22 Eve's POV Alas tres na ng madaling araw bago kami matapos mamili ng mga pagkain at damit. Ewan ko na lang sa iba kung may pinamimili pa. Na-enjoy ko naman dahil kasama ko sila except kay Fire at Cloud na kasama ni Jury. Tahimik lang ako habang naglalakad palabas ng grocery nang biglang may humawak sa kamay ko kaya napatingin ako doon. "Masakit pa rin ba ang sugat mo?" Tanong ni Louie. Siya na lang palagi ang nag-aasikaso sa akin. Si Haji at Light naman ang naturingang backup niya. The rest, ewan ko. "Oo, medyo naghilom ang sugat nung gamutin mo." "Eve!" Tili ng mga nasa likuran ko. Pinagtinginan tuloy kami ng ibang customers. Mabuti na lang at hindi gaano karami. Sabay namin silang nilingon ni Louie. "Ssh, bakit?" Isa-isa nilang pinagtaasan ang kanilang pinamili. Holy c

