Chapter 25 Magkahawak ang kamay namin ni Louie habang naglalakad patungo sa mansyon nila. Napahigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko nang magsilabasan ang mga kasama niya. "Hi, Eve." Nakangiting bati sa akin ni Haji. Behind those smiles, alam kong malungkot din siya dahil sa pagkamatay ng nanay ni Louie. Not just only Haji and Louie. Lahat sila. Kitang-kita ko sa mga mata nila kung gaano sila kalungkot. "You are welcome to our mansion, Eve. Wag mo kaming katakutan." Sambit nung babae sa kanila na humabol din sa akin noon sa gubat. "Come in," pag-aaya sa amin nung lalaki na nasa 40's ang idad. "He's my father. Pupunta rin pala dito mamaya ang mga Devonshire." Walang kagana-ganang sambit ni Louie. "Magpapahinga muna ako. Violet, ikaw na muna ang mag asikaso kay–" "Sasama ako sayo.

