Maxine Avila’s POV Bumalik ako ng kwarto kong labis na naiinis dahil sa mga narinig kong sinabi ni Glaiza. Tama talaga sina Lindsey na witch ito. As if naman na maniniwala ako sa mga sinasabi nito against sa boyfriend ko? Maniniwala lang ako kapag nakita na ng mismong mata ko na harapan ako nitong niloloko. At ramdam ko naman na hindi ako lolokohin ng mahal ko. Mahal ako ni Enzo. Hindi kami nag-abot ni Ethan kanina sa office dito sa mansyon. Sa tingin ko ay mamaya ko na lang ito kakausapin. Pupuntahan ko siya sa kwarto kapag tapos na itong kumain. Hindi na rin ako sasabay sa kanila sa pagkain. Bigla tuloy akong nakaramdam ng pagka out-of-place dahil kay Ethan. Maiilang lang akong kumain na masama ang loob nito sa akin. Lumipas nga ang ilang minuto at kinatok ako ni Noemie. Tinawag na

