Maxine Avila’s POV Babe ko: Baby ko, pwede ba na ako ang sumundo sa iyo pauwi? Don’t worry about Ethan sasabihan ko siya. Nakagat ko ang ibabang labi ko nang mabasa ang text ni Enzo. Napalunok pa ako ng laway at biglang kinabahan kung ano ang isasagot ko sa text nito. Bakit pa nito gustong sabihan si Ethan? Porque alam na ng isang anak nito ang relasyon namin ay malakas na ang loob nito. Ang alam ko nga ay pati sa daddy nito ay masama ang loob ni Ethan. Sa huli… I decided ignore ko na lang ang message ni Enzo. Muli kong nilagay ang cellphone sa bag at binalik ang atensyon sa papel na sinusulatan ko ng solutions para doon sa pinapasagutan sa amin ng professor ko. Last subject naman na ito bago mag-uwian. Parang nakaramdam ako ng fatigue. Ewan ko ba at dati naman ay ganitong oras ay may

