SPECIAL CHAPTER 2 AFTER 2 weeks… Wedding day Kinakabahan ako habang naglalakad sa aisle. Lahat ng mata ay nakatingin sa akin. Suot ang puting wedding dress at hawak ang wedding bouquet at naiiyak na ako habang papalapit sa kinatatayuan ni Enzo. Engrandeng wedding ang binigay sa akin ng pinakamamahal ko. Halos lahat ng pinagdaanan namin ay nag-flashback sa utak ko. Mula nang una ko siyang masilayan doon sa restaurant na pinagdalhan sa akin ni Ethan. Mula sa mga lihim kong pasulyap sa kanya hanggang sa mga eksenang nagpapabilis ng t***k ng puso ko. Hanggang sa kung paano kami nagtapat sa isa’t isa at tinago ang tinuturing ko na ‘forbidden love’ dahil sa layo ng agwat ng edad namin at estado niya sa buhay. Idagdag pa na sa dami ng anak niya ay naging malaking hamon sa pag-iibigan namin k

