Lorenzo Calderon’s POV “Hi, Cassie.” Nakangiting bati ko sa kadadating lang na receptionist nang makalapit sa desk nito. Cassie smiled sweetly. Matapos niyang magpaalam sa kapalitan niya sa duty ay ngumiti na siya sa akin. “Tito, nandito rin po pala kayo.” “Yes, pero kararating ko lang… itatanong ko kung saang rooms naka-check in ang mga anak ko.” Cassie is Ethan’s girlfriend. Almost six month’s na silang magkarelasyon. Ilang beses na rin siyang dinala sa bahay ni Ethan. I’m really happy na nakatagpo ang anak ko ng babaeng mamahalin muli. Matagal din siyang naka-move on sa pagkamatay ni Margaux bago makipag-relasyon muli. Cassie is working here for almost a year. Dito rin siya nakilala ng anak ko isang beses na nagkaroon ng meeting sa isang conference hall ng hotel with the clients

